Advertisers

Advertisers

Gamot para sa cancer, diabetes at mental health libre na sa buwis

0 17

Advertisers

EXEMPTED na mula sa buwis ang ilang gamot para sa cancer, diabetes at mental health.

Ito ay ilang araw matapos lagdaan ang CREATE MORE Act.

Una nang inendorso ng Food and Drugs Administration (FDA) ang VAT exemption sa 10 karagdagang medisina na magbebenipisyo sa milyun-milyong Pilipino na dumaranas ng mga health condition.



Kabilang sa mga gamot na exempted ay ang 2 medisina sa Cancer (Degareli & Tremelimumab), 2 sa Diabetes (Sitagliptin at Linagliptin), at 3 para sa mental illness (Clomipramine Hydrochloride, Chlorpromazine at Midazolam).

Ang naturang VAT exemption ng mga gamot ay naging epektibo agad pagka-isyu ng FDA advisory noong November 22 at isinapubliko nitong Martes, Nob. 26.