Advertisers

Advertisers

Claudine natakot nang bumagsak ang BP

0 9

Advertisers

Ni Rommel Placente

NITONG nagdaang linggo, ibinalita ni Claudine Barretto sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na na-confine siya dahil sa mababang blood pressure.

Post ni Claudine,”Been needing to go to the hospital for weeks na. My BP has been too low and to be admitted was necessary.



“It’s been scary these past couple of months but nothing prepared me for what was about to happen. While giving Noah a bath even with high fever 2 nurses gave me a bath after Noah.

“I just Jerked & my speech was slurred. i was disoriented while they carried me back to my bed.

“I was trying my best to tell them i need my hair to be blowdryed (yes kaartehan po) in a minute so many doctors and nurses kept telling everyone BAT PATIENT. Not knowing the meaning they brought me to the OR then MRI.

“Injected me with something so painful i didn’t even know how i got back to my room.

“Also shout out to my son Santino ayaw lang mag pa video uli pero he likes Ate Sab took great care of me. God thank u for my children (praying hands emoji) im so blessed.”



Ayon pa kay Claudine, ilang buwan na ring hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Sa katunayan, may mga pagkakataong umiiyak na lamang siya.

Nag-iwan naman ng mensahe si Ate Vi sa comments section ng post ni Claudine, at nagsabing ipinagdarasal niya ang mabilis na paggaling ng aktres.

Mensahe ni Ate Vi, “Claude my baby … praying for you !!! Plsssss BE WELL b i love you.”

Sinagot naman agad ito ni Claudine, “@rosavilmasantosrecto Ate idol!!!! (heart emojis) l call u later Ate. im better na Ate. lalo na later once i hear you’re voice. i miss u & i luv u. Ate im scared.”

***

BIANCA TAN
NA-BULLY DAHIL
SA HEIGHT

ANG newbie actress na si Bianca Tan ang isa sa cast ng pelikulang Believer Or Not, na mula sa A & Q Production Films Inc. at AFA Entertainment and Prime Stream Inc. Mula ito sa direksyon ni Errol Ropero.

Ang pelikula ay tungkol sa bullying.

Gumaganap si Bianca bilang si Brenda, ang main antagonist sa pelikula, na isang bully.

Ito ang kanyang unang major role at nag audition siya para rito.

Ayon kay Bianca, very challenging ang pagganap sa role ng isang bida-kontrabida, at bully.

Pero sa gabay ng kanilang direktor at suporta ng kanyang co actors, nagawa niyang gawin ito nang maayos.

Ayon kay Bianca, noong nag-aaral pa siya ay naging biktima siya ng bullying.

“When I was in elementary school, I was bullied for my height. Lagi po akong pinagtatanggol ng sisters ko,” pagbabalik-tanaw ni Bianca.

Dagdag niya,“Wala naman pong gustong maging masama. Kapag may taong bully, sana kausapin natin sila or intindihin dahil hindi naman natin alam ‘yung mga napagdaan nila sa buhay.”

Sa mga nakapanood na ng Believe Or Not sa advance screening na ginanap sa Gateway Cinema 3 at sa mga makakapanood sa regular showing, umaasa si Bianca na nagkaroon at magkakaroon ito ng impact sa kanila, at maging mas mabait ang isang estudyante sa kanilang mga kaklase, at bumuo ng friendship at hindi poot sa mga kapwa nila estudyante na nakakasalamuha nila.

Si Bianca ay nagsimula bilang isang ramp at commercial model.

Nakatapos na siya ng kolehiyo, at ngayon ay pinu-pursue na ang pangarap niyang maging artista.