Advertisers
NAGING palaisipan kung paano nai-withdraw ang malaking halaga ng pera sa bangko tulad ng P125 milyon ng ‘confidential funds’ na inilagay sa apat na “gym bag” para sa Office of the Vice President (OVP) bilang “one-time withdrawal” noong Disyembre 20, 2022.
Ito ay matapos sabihin sa ika-6 pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ni Land Bank of the Philippines (LBP) Shaw Blvd. Branch representative Jean Abaya na karaniwan ay nasa P10 milyon halaga lamang ang kanilang itinatago sa bangko bilang bahagi ng kanilang security measures.
Laking gulat ni Garin nang sabihin ng LBP officials na hindi rin gumamit ng armored vehicle ang mga tauhan ng OVP dahil wala itong umiiral na ‘memorandum of agreement’ sa bangko para sa naturang hakbang.
Aminado rin si Atty. Zuleika Lopez, chief of staff ni Vice President Sara Duterte, na tanging inilalagay lang sa vault ng OVP ay petty cash at payroll money at hindi confidential at intelligence funds.
“The vault is being used primarily for the petty cash fund and there are also some payroll items and clothing allowance,” sabi ni Atty. OVP Finance and Administrative Director Atty. Rosalyne Sanchez.
Sinabi rin ni Abaya na hindi na manu-manong binilang ng OVP personnel ang P125 million cash dahil ito ay ibinigay ng magkakahiwalay na bulto na may selyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).