Advertisers

Advertisers

NO MORE SHOW FOR VP SARA SA QUACK COMM

0 20

Advertisers

Hindi pa rin umano haharap sa susunod na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability si Vice President Sara Duterte.

Sa kabila ito ng personal na pagpapa-receive sa kaniya ng imbitasyon ng komite nang dumalo siya bilang suporta sa kanyang amang sumalang bilang resource person sa Quad Committee.

Ayon sa bise presidente, magpapadala na lang uli sila ng liham para ipaliwanag ang mga rason kung bakit hindi na ito pupunta sa House hearing na pinangungunahan ni Manila 3rd district Rep. Joel Chua.



Giit nito, hindi na man pinakikinggan ang kanilang mga sinasabi at paliwanag ukol sa detalye ng pondo, kaya mas mabuting huwag na silang mag-aksaya ngu oras na humarap pa sa nasabing lupon.

Tama lang dahil ang pagdinig na ginagawa ng QUACK este QUAD COMM ay talaga naman tunay na ” waste of time and money.

May ilang indibidwal na rin at grupo ng mga abogado ang nagtungo sa Korte Suprema para kuwestiyonin ang legalidad ng ginagawang QUAD COMM hearings.

Ayon sa isinumiting petisyon,lumilihis na sa tamang panuntunan ng batas ang ginagawa ng QUAD COMM at ginagaya na at dinu- duplicate ang tungkulin at function ng isang Korte gayong hindi naman talaga ito hukuman.

Napapahiya na at nakokompromiso ang imahe ng Kongreso sa komedya at kapalpakang pagkakalat ng ilang bobo sa batas na congressmen.



Nakakahiya na talaga!

Madakdak lang pero ampaw naman at abo ang laman ng utak.

Si Cong.Dan Fernandez ang sakit sa tenga mag- English.

Trying hard at bida- bida.

Sana next time,ilagay naman ng Kongreso ang kanilang ” the best and the brightest” solons nang hindi naman lumalabas na tanga at katawa-tawa sa harap ng publiko.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com