Advertisers
Maraming nagtaka na natagpuan pa ng LA Lakers si Dalton Knecht sa kanilang 17th pick sa nakaraang Rookie Draft.
Mahusay na shooter sa kolehiyo ang 6’6 na guard- forward pero sa edad na 23 ay may mga natatandaan sa kaniya bilang kasapi sa class ng 2024.
Maraming koponan ang pinalampas ang SEC Player of the Year kaya mapalad pa ang purple at gold na mapili siya para sa unang round.
“Para sa amin top ten si Dalton sa mga baguhan,” wika ni GM Rob Pelinka.
“ Nagkamali na kami noong 2023 kay Jalen Hood Schifino na pinaboran namin kaysa kay Cam Whitmore,” dagdag ng VP for Operations ng Los Angeles.
Hindi pa makaalagwa si Jalen samantalang malaking tulong na ngayon si Cam sa Houston Rockets.
Noong Summer League sa Las Vegas at sa mga exhibition match ay ipinakita ng Tennessee star na naka-jackpot ang prangkisa ng mga Buss.
Sa isa ngang pre-season game ay nag-top scorer siya ng 35 puntos.
Tapos sa mga unang aktuwal na laro ay hirap pa mag-adjust ang rookie ng Hollywood.
Pero sa huling tatlong laban ay pumutok na. Napakinabangan ni Coach JJ Reddick ang tres at quickness ng bago niyang player.
Sa panalo kontra Pelicans noong Linggo ay bumuslo ang tubong North Dakota ng 27 puntos na pangalawa lang sa 31 ni Anthony Davis. Bukod diyan ay may pito pang rebound at 2 assist at 2 steal pa.
Sising-sisi ngayon mga ibang GM na hindi ang anak nina Carrie at Corey Knecht ang biningwit noong Draft Day.
***
Isang nahinto sa apat na game at isang nagtuloy-tuloy sa 1,200 plus na sunod-sunod na laro.
Isang kakaibang accomplishment yan ni LeBron James.
Yung triple double sa points, rebounds at assists hindi naganap sa laban noong Linggo kontra Pelicans pero buhay pa rin ang 10 o mahigit pa ang nai-shoot.
Yung huling game na mas mababa sa diyes ang score ni LBJ ay Jan 7, 2004 pa bilang Cavalier vs Bucks.
Mula noong hanggang sa sinusulat ang pitak na ito ay buhay pa rin ang rekord. Ayon sa mga ulat ay 1222 na laban noong papasok sa 2024-25 season. Kung tama ang report ay bale 1233 na dahil naka-13 na game ang L. A.
***
Kapag tinatanong si Michael Jordan kung sino ang GOAT sa basketball ay parati niyang tugon ay mahirap sagutin yan.
“ Ibang-iba ang aming era kaya hindi madali tukuyin ang isang cager lang,” sabi ni MJ.
“ Kung padamihan ng NBA ring ay panalo diyan si Bill Russell kasi may 11 siya,” paliwanag ni His Airiness.
May punto naman ang numero 23 ng Chicago.
Kaya payo ni Tata Selo sa mga fan ni Jordan na huwag na i-bash si LeBron James. Sa halip ay i-enjoy na lang natin kanyang greatness habang nakakalaro pa.