Advertisers
Ni Rommel Gonzales
MAY upcoming movie, ang Senior Moments kung saan bida ang mga beteranong artista na sina Nova Villa, Noel Trinidad at Tessie Tomas.
Tinanong namin si Ms. Nova kung ano ang masasabi niya na nagbibida pa siya sa pelikula?
“Kahit ako nga nagtataka e, and the only words I can say is, ‘Thank you, Lord’.
“Alam ko naman, napi-feel naman natin yun e, alam naman natin yun, kaya siguro, probably I have done something good.”
Mukha pa ring bagets at malakas at maliksi pa rin, tinanong din namin ang aktres kung mayroon ba siyang sekreto sa kanyang diet o exercise?
“Hindi. Hindi ako ganyan,” sambit ni Ms. Nova. “Actually, matakaw ako, gusto ko kumain, but at this age, may nararamdaman ako, na less na ang food intake.
“Hindi katulad nun, sige-sige, kain lahat, ngayon hindi na.”
Nagulat nga kami sa sagot niya sa tanong namin kung ano ang paborito niyang kainin.
“Pritong baboy, cochinillo, de leche. Ha! Ha! Ha!”
Kumakain pa rin daw siya ng mga paborito niya pero, “Medyo bawas na.
“Exercise, kiti-kiti ako. Naglilinis ako ng kuwarto, naglilinis ako ng banyo.
“Kaya lang medyo ano ka na rin dahil… ang mga buto, maluluwag na, delikado na, ganun.”
Sa Senior Moments na mula sa A & S Production at sa direksyon ni Neil ‘Buboy’ Tan, ano ang maaasahan ng mga manonood?
“A little of comedy, hindi naman nawawala yun, pero more on the buhay ng isang senior and this really happens.
“Magandang mapanood ng mga senior, e.”
***
ANO ang nagtulak kay Francine Diaz na tanggapin ang Silay kahit na suporta siya dito ng beteranang aktres na si Malu de Guzman?
“Para sa akin naman po ang nagma-matter talaga kapag tumatanggap ng mga proyektong naio-offer sa akin iyong lesson na makukuha rin ng mga audience,” unang pahayag ni Francine.
Pagpapatuloy pa niya…
“Siyempre bukod po sa gusto nating mag-entertain at ipakita rin yung kung anong merong talents po kami gusto rin po namin yung meron silang matutunan sa mga pinapanood po nila.
“Tsaka lalo po maganda po yung kuwento, nag-i-inspire siya na mag-aral ng mabuti, hindi hadlang ang edad basta matututo tayo.
“Parang there’s no limit in learning. Iyon po.”
Ang Silay ay mula sa MACE Ascending Entertainment Productions ni Rachelle Umandap at sa direksyon ni Greg Colasito.
Nasa cast din ng Silay sina Ramon Christopher, Yul Servo, Rob Sy, Long Mejia, Krista Miller, Joni Mcnab, Jervin Mendoza, Rain Perez, Emilio Garcia, at introducing naman sina Merab Soriano, Russel Umandap, Pao Umandap, at Jopher Martin.
Samantala, magkasama man sila sa Silay ay magkakatunggali naman sina Francine at Malu sa darating na 50th Metro Manila Film Festival dahil bida si Francine (with Seth Fedelin) sa Regal Entertainment Inc. entry na My Future You samantalang kasama si Malu sa And The Breadwinner Is ni Vice Ganda.