Advertisers
Ni Beth Gelena
HINDI bet ni Ellen Adarna ang breastfeeding o pumping.
Sa kanyang Instagram post ay nagbigay siya ng opinyon kung bakit ayaw niyang magpadede.
Ibinahagi niya ang isang photo na upper area ng kanyang katawan na visible makikita ang tila rubber cups na naka-attach sa kanyang chest.
Nilagyan niya ito ng caption, “The thing I don’t like the most. Breastfeeding / pumping. “If you enjoy it, good for you lol. K tnx bye.”
Base sa caption na sinulat ng misis ni Derek Ramsay ay katatapos lang niyang mag-pump ng kanyang gatas from her own chest.
Last month ay ipinanganak ni Ellen ang unang baby nila ni Derek.
Bale pangalawang anak ito ng aktres dahil may panganay na siya, si Elias Modesto, anak nila ng ex na si John Lloyd Cruz.
***
BOSSING VIC
NAGPAKITANG
GILAS SA MGA KAKLASE NI TALI
TODO-hataw si Vic Sotto sa school event ng anak na si Tali Sotto.
Sinabayan niya ng sayaw ang mga kaklase ni Tali na ikinasiya ng mga bagets.
Makikitang nag-thumbs up si Tali sa kanyang daddy matapos nitong sumayaw kasama ang iba pang mga tatay. Nagkasama ring sumayaw ang mag-ama na labis na ikinatuwa ng mga nanonood at nag-viral online
Ibinahagi ni Pauleen Luna ang sweet na bonding moment nina Vic at Tali sa Instagram account at pinuri ang effort ni Vic sa event.
Sa isang video na nag-viral online, makikitang sumasayaw si Tali kasama ang kanyang mga kaklase.
Hindi naman napigilan ni Tali ang mag-thumbs up sa kanyang daddy matapos ang kanyang performance, na labis na ikinatuwa ng mga nanonood.
Isa sa mga highlight ng event ay ang pagsayaw nina Vic at Tali, kung saan makikitang tuwang-tuwa ang mag-ama habang sabay silang sumasayaw. Ayon sa post ng misis ni Vic na si Pauleen, may espesyal na dance number na inihanda si Tali para sa kanyang daddy, ngunit tila may surpresa rin si Vic para sa kanyang anak. Sa Instagram ni Pauleen, “Father daughter day in school today! Art, games and surprises happened this morning. Tali surprised Vic with a dance not knowing that Vic had one for her too! What a lovely sight to see! Good job to all the daddies especially to our very own Vic! Love you both!”