Advertisers

Advertisers

DISMISSED COL. ACIERTO HINAHAMON NI ROSE NONO LIN!

0 2,224

Advertisers

Ang pinagsususpetsahang sangkot sa ILLEGAL DRUG TRADES na si ALLAN LIM ay kaiba at hindi ito ang negosyanteng si LIN WEI XIONG ayon sa naging pagpupunto ng asawa nitong huli.

Si ROSE NONO LIN (asawa ni LIN WEI XIONG) ay nagsaad na ang alegasyon laban sa kaniyang asawa ay pawang nakasalig umano sa UNVERIFIED INFORMATIONS na isinangkot ni DISMISSED COLONEL EDUARDO ACIERTO sa kaniyang 2019 report na isinumite niya kay noo’y PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) CHIEF OSCAR ALBAYALDE at kay noo’y PHILIPPINE DRUGS ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) DIRECTOR GENERAL AARON AQUINO.

Sa nasabing report ay ipinunto ni ACIERTO na base sa kaniyang informant, itong si ALLAN LIM na kilala rin bilang LIN WEI XIONG ay may koneksiyon sa EX-ECONOMIC ADVISER ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na si MICHAEL YANG hinggil sa ILLEGAL DRUG TRADE.



Bunsod nito ay hinahamon ni ROSE NONO LIN ang mga nag-aakusa sa kaniyang asawa na magsampa sila ng kaukulang kaso sa proper court upang masagot naman umano nila ang mga maling paratang sa kaniyang asawa kasunod ang pagtitiyak nito na siya ay patuloy na makikipagkooperasyon sa isinasagawang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC).

“My husband is being accused of something that he is not. He is a legitimate businessman. My husband’s name is Lin Wei Xiong ang my husband also uses the name Jeffrey, but not Allan,” pagpupunto ni ROSE NONO LIN na aniya ay 11-taon na silang mag-asawa at wala siyang alam sa ibang mga pangalang ikinakapit sa kaniyang asawa.

Itinanggi rin ni ROSE NONO LIN na ang kaniyang asawa ay nagtatago sa DUBAI dahil nitong November 1 ay nagkita pa sila sa HONG KONG kung saan ang kaniyang asawa ay pinangangasiwaan ang ilan nilang negosyo roon.

Sa huling pagdinig ng CQC na isa si ROSE NONO LIN ang naimbitahang RESOURCE PERSON ay nilinaw nito ang patungkol sa alegasyon sa kaniyang asawa na isa rin si ACIERTO sa naging RESOURCE PERSON na nagpatotoo sa kaniyang report via zoom.

Sa naturang pag-dinig ay inihayag ni EX-PDEA CHIEF WILKINS VILLANUEVA sa mga MAMBABATAS na ang ALLAN LIM na isinasangkot sa ILLEGAL DRUGS ay hindi iisang tao at ang 2 litrato ay kinumpirma ni ROSE NONO LIN na iyon ang kaniyang asawa pero hindi ang isang litratong may bigote.



“Sa image identification Mister Chair, I confirm na hindi sila pareho…,” paglilinaw ni VILLANUEVA.

May punto rito si ROSE NONO LIN na kailangang kasuhan na ng mga kinauukulan ang kaniyang asawa upang masagot din nila ang lahat ng akusasyon sa proper court upang malaman na rin ng buong sambayanan at malutas ang usapin hinggil sa sinasabing pang-aabuso at malawakang katiwalian sa nakaraang administrasyon!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.