Advertisers
Ni Rommel Placente
SA pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post si Ken Chan ng official statement kalakip ang mga litrato ng dati niyang restaurant na Cafe Claus, para ipagtanggol ang sarili sa kasong syndicated estafa na isinampa sa kanya.
Ipinagdiinan ni Ken na hindi siya manloloko, at walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya ng dating co-investor niya sa itinayong business.
Nag-reak din siya sa mga taong patuloy na nangwawasak sa kanyang pagkatao.
Narito ang official statement ni Ken:
“Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.
“Personal kong babasagin ang aking katahimikan sa kumakalat na version ng kaso na isinampa laban sa akin dahil sa pagkalugi ng itinayo naming negosyo na Café Claus na nagkaroon ng tatlong branches at nagsara.
“Hindi po ako nanloko ng tao, naitayo po ang negosyo ngunit hindi ito nagtagumpay.
“Hindi po dahil ito ang amount na isinampa laban sa akin ay ito na ang buong katotohanan. Sasabihin ko po nang buong-buo ang actual na numero at detalye na masyado nang naging exaggerated dahil sariling panig pa lamang ng complainant ang inilabas nila.
“May mga bagay kami na kailangang ipaglaban lalo na kung bakit naisampa ito bilang syndicated estafa, na kung tutuusin ay dapat umiikot lamang sa pagkalugi ng negosyo.
“Ako naman po ang maglalabas ng mga detalye sa mga darating na pagkakataon dahil patuloy po ang pagdikdik sa akin ng mga taong gustong sirain ang pagkatao ko.
“Sa mga hakbang na ginawa nila mula pa noong nakaraang taon hanggang ngayon, makikita ninyo ang intensyon ng mga taong gusto akong pabagsakin.
“Kaunting panahon po at ilalabas ko lahat ang katotohanan kung bakit nangyari ito sa kumpanya. Hindi po ako nanghingi lang ng pera at nanloko tulad ng akusasyon sa akin.
“Nalugi po ang Café Claus at isa sa malaking dahilan na rin ay dahil sa ilang business partners namin na nagplano para pabagsakin ang kumpanya at patuloy na sirain ang aking pangalan.
“Pinili ko pong manahimik pansamantala dahil sa una pa lamang po ay inilalaban ko na ito legally, kasama ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin sa sitwasyon kong ito. Naniniwala ako na sa awa ng Panginoon ay mairaraos ko po ito.”
At least, binasag na ni Ken ang kanyang katahimikan sa isyu sa kanya. At ayon nga sa kanya ay wala siyang niloko, na hindi siya manlolokong tao.
Well, sana ay malagpasan ni Ken ang pagsubok na ito na dumating sa kanyang buhay.
***
SA guesting nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Rec Create, sumalang sila sa Let’s Be Honest game. Tinanong ng huli ang ang una, kung naiisip ba nito kung siyang makipag-date.
“Have you ever wondered what it would be like to go on a date with me?” tanong ni Alden kay Kathryn.
“Yeah, I think so. Parang nakaka-curious kung paano ka makipag-date,” sagot ng aktres pagkatapos ay pinindot na ni Alden ang laruang lie detector test.
Nakuryente naman si Kathryn. Kaya ang ibig sabihin ay nag-lie siya.
“De! ‘Yung machine ‘yung may problema talaga,” sey naman ni Alden.
Depensa ni Kathryn, “Actually, I have no idea that’s why I’m curious. ‘Di ko alam kung paano siya makipag-date so I wonder [kung] romantic ba siya, medyo ano ba siya. Iba iba kasi ang style ng guys.”
“In dating, of course ‘yung getting to know stage, simple lang. Go to a nice restaurant, good food. Good food pa rin, ‘yun ang love language na I think is the best love language na pwede kong i-offer,” paliwanag ni Alden.
Tinanong naman siya ni Kathryn kung makikipag-date ito, saan niya unang dadalhin ang makaka-date.
“Bahay? Bahay niya or bahay ko. Depende,” sagot ni Alden.
Tila nagulat naman si Kathryn sa sagot ni Alden.
“Go! Bahay agad?!” tumatawang sabi ng aktres.
“Shesh!” dagdag pa ni Kathryn.