Advertisers

Advertisers

Fifty para kay Wemby

0 6

Advertisers

NAGPASABOG si Victor Wembanyama ng career-high 50 points upang buhatin ang San Antonio Spurs laban sa Washington Wizards,139-130, Huwebes ng umaga (Manila time)sa Frost Bank Center sa Texas.

Nagtala si Wembanyama ng 8-of-16 3-pointers at 18 -of-29 mula sa field. Nagtapos siya ng 50 points,six rebounds,three blocks, at two assists at steal.

Dikit ang laban ng dalawang teams hanggang sa 7:38 marka sa third, matapos isalpak ni Wizards’Alex Sarr ang dunk para maging 82-83 deficit.



Vassel nagdagdag ng 17 points para sa Spurs, habang si Julian Champagnie may 12.

Poole nagtapos ng 42 points,six dimes at two boards on 15-of-22 shooting.

Sa Milwaukee, Giannis Antetokounmpo umiskor ng 11 points sa overtime at nagtapos ng 59 points at 14 rebounds para akayin ang Bucks kontra Detroit Pistons,127-120.

Nagawa ni Antetokounmpo ang 21 sa 34 field goals pero isa sa kanyang 17 free throws ang umagaw ng panalo.

Brook Lopez nagdagdag ng 29 markers at eight rebounds para sa Milwaukee.



Cade Cunningham nagtapos ng 35 points,11 assists at seven rebounds para sa Pistons,habang si Malik Beasley may 26 markers at 10 boards.