Advertisers

Advertisers

MHD humakot ng 4 na karangalan mula sa DOH – Mayor Honey

0 32

Advertisers

MINSAN pa, ang lungsod ng Maynila ay humakot ng karangalan bilang pagkilala sa health system at disaster response nito.

Pinasalamatan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Department of Health (DOH) dahil sa apat na karangalang ipinagkaloob nito sa lungsod at sinabing magsisilbing inspirasyon ito sa kanyang administrasyon at sa mga tao sa likod nito para lalo pang magsikap sa pagbibigay ng mas mahusay pang serbisyo sa mga residente ng Maynila.

Binati rin ng lady mayor ang Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan dahil sa awards na natanggap ng lungsod mula DOH-Metro Manila Center for Health Development (MMCHD).



Ang mga karangalan na ipinagkaloob sa 2024 Local Health System Recognition Towards Universal Health Care ceremony at ginanap Ardenhills Hotel in Quezon City.

Ang mga karangalan na ibinigay ay ang mga sumusunod: Outstanding Performance in the Implementation of Local Health System Reforms; Outstanding Efforts in Successfully documenting Good Practices in Health (GPH); Establishing an Organized and Functional Disaster Risk Reduction and Management for Health and for the city of Manila’s Commitment in Ensuring a Responsive Local health System.

Ipinagmalaki rin ni ang Lacuna performance ng mga kawani ng MHD na nagresulta ng nasabing awards at pinasalamatan nya rin ang mga ito sa kanilang patuloy na suporta sa kanyang adhikain na matupad ang ‘Magnificent Manila in 2030.’

Bago ito, kamakailan lang ang city government’s tourism at social welfare departments sa pamumuno nina Charlie Dungo at Re Fugoso ay kapwa also reaped awards for their performance.

Bukod dito ay hinirang din si Lacuna bilang fifth best performing mayor sa katatapos na ‘Social Pulse Survey: Pulso ng Bayan’ kung saan mayroon siyang 88.7 percent approval rating. (ANDI GARCIA)