Advertisers

Advertisers

Krimen sa Central Luzon, bumaba sa 6.16%

0 21

Advertisers

Nang maupo si Police Brig. Gen. Redrico A Maranan bilang Regional Director ng Police Regional Office 3, isa sa target niya ay panatilihin ang katahimikan at kaayusan ng buong Central Luzon na siyang area of responsibility ng PRO3.

Patikular na layunin ng kampanya ni Maranan o ng bumubuo ng PRO3 ay para sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan ng Central Luzon – Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Nueva Ecija at Aurora province.

Siyempre, para maging maayos ang kaayusan at katahimikan para sa seguridad ng mamamayan, maging ng mga negosyante sa Central Luzon, kailangan may mga programa na maitatag kontra kriminalidad.



Iba’t ibang programa o kampanya laban sa kriminalidad? Mayroon po iyan si Maranan…katunayan nasaksihan natin kung paano inimplementa ni Maranan ang kanyang kampanya laban sa kriminalidad noong District Director siya ng Director siya ng Quezon City Police District (QCPD).

Sa istritong pagimplementa sa mga programa ni Maranan laban sa kriminalidad noon sa Kyusi, nagtuloy-tuloy ang pagbaba ng krimen sa lungsod – at ang direktang nakinabang sa resulta ay mga mamamayan ng QC.

Kung nagawa ni Maranan na mapababa ang krimen sa Kyusi, tiyak na kaya din niyang mapababa ang krimen sa Central Luzon.

Katunayan,…at inaasahan naman talaga,bumaba ang krimen sa Central Luzon. Bumaba sa 6.16 porsiyento ang ibinaba ng krimen sa nakalipas na dalawang buwan.

Mula August 31, 2024 hanggang October 31, 2024, bumaba ng 37 insidente o 6.16% ang total index crimes, kumpara sa parehong panahon noong nagdaang taon.



“Base sa ating datos, masasabi po nating maayos nating napananatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating rehiyon. Patuloy ang pagbaba ng mga krimen hindi lamang dahil sa kapulisan ngunit dahil na rin sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan,” ani Maranan.

E, paano napababa ng PRO3 ang krimen sa CL? Heto lang naman ang sikreto ng PRO3 – ang sinserong pagpatupad ng iba’t ibang programa laban sa kriminalidad.

Napababa ang krimen ay paggamit ng iba’t ibang estratehiya ang kapulisan tulad ng kanyang mahusay na pamamaraan na may pormulang Enhanced Police Presence (EPP)+ Quick Response Time (QRT) + Counter Actions against Drug groups, Criminal gangs and Private armed groups (CADCP) = Safe Region 3 (SR3) upang tugunan at pababain ang index crimes sa rehiyon.

Pinapaigting din ng kapulisan ang panghuhuli sa wanted persons at ang kampanya laban sa iligal na droga at mga hindi lisensyadong baril.

Umpisa palang ito – at hindi hanggang diyan na lang ang pagbaba ng krimen sa CL o implementasyon ng mga programa laban sa kriminalidad, kung hindi magpapatuloy si Maranan sa kaniyang gera laban sa kriminalidad lalo na’t magpa-Pasko na. Hindi naman lingid sa atin kaalaman na sa tuwing magpa-Pasko ay maraming kumikilos na ‘kalaban’ at tumataas ang krimen, pero dahil sa prayoridad ni Maranan ang seguridad ng mamamayan, tiyak na mahihirapan ang mga kriminal sa CL.