Dir. Bong Marzan, Doc Diane Nieto at Juan Pinoy Partylist nagtulungan para sa outreach mission
Advertisers
BILANG isang genuine public servant buong pagmamalaking ibinahagi ni Asenso Manileño candidate for Councilor sa District IV na si Director Bong Marzan na siya ay nakipagtulungan sa kapwa kandidato at sa isang party list candidate para sa isang outreach mission na matagumpay na naisagawa kamakailan sa iba’t-ibang lugar sa Sampaloc.
Ang nasabing outreach mission ay sa pagtutulungan nina Liga ng mga Barangay Director at Brgy. 497 Chairman Marzan, Asenso Manileño Councilor aspirant at kapatid ni Manila Vice Mayor Yul Servo na si Doc. Diane Nieto at Juan Pinoy Partylist.
Sa nabanggit na outreach mission ay umikot sa iba’t-ibang lugar sa Sampaloc si Marzan at kinatawan sina Doc. Nieto at Juan Pinoy Partylist sa pamahagi ng wheelchair, tungkod at BP apparatus sa lahat ng mga residente ng Distrito Kuatro na nangangailangan nito.
Ang pagsasanib pwersa nina Marzan, Nieto at Juan Pinoy Party List ay pagpapakita ng tunay na pagmamalakasakit sa kapwa at mga nangangailangan mga residente ng Distrito Kuatro.
Samantala ay muling nakibahagi si Marzan sa pamamahagi ng payout para sa mga head of the family mula sa Brgy 407. Ginanap Ang payout sa Nazareth Covered Court.
Ang mga beneficiaries ng ayudang pinansyal mula sa Ayuda Para Sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr at House Speaker Martin Romualdez ay nasa mahigit na 1000 ang kabuuang bilang at tumanggap ng halagang P3K bawat isa.
Samantala ay umabot din ng 1000 ang bilang ng mga estudyante sa kolehiyo na tumanggap din ayudang pinansyal mula sa AKAP kung saan nakibahagi at tumulong sa pamamahagi ng nasabing cash assistance si Marzan.
Ang pamamahagi ay ginanap sa Nazareth Covered Court kung saan mga 2nd year at 3rd year college students mula sa Brgy. 435 ang mga beneficiaries.
Ang bawat isang recepients ay tumanggap ng halagang P3K bawat isa. (ANDI GARCIA)