Advertisers
Nasakote ng San Pedro Component City Police Station ang Rank Number 3 Most Wanted sa Calabarzon na mayroon kasong Kidnap for Ransom sa isinagawang manhunt operation bandang 6:00 ng gabi kahapon araw ng lunes November 4, 2024 sa Brgy. Nueva ng nasabing lungsod.
Kinilala ang suspek na si alyas “Bulok”, nasa hustong gulang at pansamantalang naninirahan sa San Pedro, Laguna.
Base sa nakarating na ulat sa opisina ni Calabarzon Police Regional Director PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, inaresto ang suspek ng mga operatiba ng San Pedro City PNP sa pangunguna ni P/Lt.Colonel Jaime S. Pederio, ang Chief of Police sa nasabing lungsod sa pamamagitan ng Warrant of Arrest na ipinalabas at iniutos ng Regional Trial Court ng San Pedro City na pirmado ni Hon. Judge Bery Roy Vergara, para kasong Kidnap for Ransom na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nasa kustodiya ngayon ng San Pedro City Custodial Facility ang suspek at nakatakdang iharap sa korte.(KOI LAURA)