Advertisers

Advertisers

Opisyal ng PAOCC nanampal ng Pinoy POGO worker, sinipa

0 23

Advertisers

SINIPA sa puwesto si Dr. Winston Casio bilang tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) matapos manampal ng trabahador ng isang POGO na sinalakay nila sa Bagac, Bataan.

Ito ang kinumpirma ni PAOCC Chairperson at Executive Secretary Lucas Bersamin. Aniya, ‘under administrative investigation’ ngayon si Casio.

Inatasan din, aniya, si Casio na magpaliwanag sa inasal niya sa isinagawang operasyon ng PAOCC sa Bagac noong Oktubre 31.



Nag-viral ang kuha ng CCTV sa pananampal ni Casio sa POGO worker na Pinoy, na kaliwa’t kanan niyang sinampal habang pinagsasabihan sa harap ng mga operatiba.

Agad namang humingi ng paumanhin si Casio sa nangyari, kasabay ng paggiit na handa niyang harapin ang anumang ipapataw na parusa laban sa kanya. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)