Advertisers
BUMILIS ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o inflation rate sa bansa noong buwan ng Oktubre.
Sa press conference nitong Martes, ipinaliwanag ni Philippine Statistics Authority (PSA) chief USec. Claire Dennis Mapa na ang pangunahing dahilan ng uptrend o pagtaas sa kabuuang inflation noong nakalipas na buwan ay ang mas mabilis na taunang pagtaas sa heavily-weighted food at non-alcoholic beverages na pumalo sa 2.9% mula sa 1.4% noong Setyembre 2024.
Nag-ambag din sa pagtaas ng inflation ang transport na may mas mabagal na year-on-year na pagbaba na nasa 2.1% noong Oktubre 2024 mula sa 2.4% noong Setyembre 2024.
Pagdating sa food inflation, ang pangunahing dahilan ng pagtaas nito ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo sa bigas na nasa 9.6% noong Oktubre mula sa 5.7% noong Setyembre.