Advertisers

Advertisers

Sylvia mag-aaral muna ng batas bago tumakbo sa pulitika

0 13

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

DAHIL nasa mundo na ng pulitika ang eldest son ni Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde ay marami tuloy ang humihikayat kay Ibyang na pasukin rin ang mundo ng pulitika.

Pero ang sagot ni Ibyang ay….“Kinausap ako ng mga tao kasi visible naman ako sa mga projects ni Cong. Arjo Atayde.”



Hinihimok daw si lbyang na tumakbo sa parehong distrito bilang Konsehal.

“I’m not closing my doors. Pero hindi ngayon, maybe later on,” pangungumpisal ng aktres.

Isinasaalang-alang ni Sylvia ang kahandaan by equipping herself with the proper qualifications.

“Mag-aaral muna ako para magkaroon ng knowledge sa batas.

“Gusto ko, handa ako pag tumakbo ako!” maliwanag na litanya ng Sylvia Sanchez na kilalang Kapamilya Star.



***

JAKE, MELAI, SAM, FRANCINE, DONNY, AT JOSHUA, PUMIRMA MULI NG KONTRATA SA ABS-CBN

MULING pumirma sa ABS-CBN ang longtime Kapamilyas na sina Jake Cuenca, Melai Cantiveros-Francisco, Sam Milby, Francine Diaz, Donny Pangilinan, at Joshua Garcia sa ginanap na “Forever Kapamilya Network Contract Signing” event.

Excited si Donny na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career sa ABS-CBN at maghatid ng mga proyekto na hindi pa nakikita ng mga manonood.

“I’m just so happy that despite everything we’ve never lost hope and we continue to come up with more things that people have not seen before, and I’m just very, very glad to be part of this journey and I can’t wait for what’s to come,” sabi ni Donny na unang naging MYX VJ taong 2016 at ngayon ay naghahanda na para sa kanyang bagong serye na “How to Spot a Red Flag” kasama si Belle Mariano.

Inilahad naman nina Joshua at Francine na itinuturing nilang pangalawang pamilya ang ABS-CBN at nagpapasalamat sila sa tiwala at mga oportunidad na ipinagkaloob nito sa kanila.

Ani Joshua, “Thank you sa 10 taon na pagtitiwala sa akin at hindi nyo ako iniwan. Kayo na yung parang naging pangalawang pamilya ko kaya maraming salamat. And of course to Star Magic, kung hindi dahil sa tiyaga nila sa akin sa pag-hone ng craft ko, maraming salamat.”

Ibinahagi rin ng “Kuan On One” host na si Melai ang kanyang galak na patuloy maging bahagi ng ABS-CBN family kung saan naging kabilang siya simula nang pumasok sa “Pinoy Big Brother: Double Up” taong 2009.

Samantala, isang “surreal moment” ang maging bahagi ng nasabing contract signing event para kay Sam na isa sa OG “PBB” housemates.

Isang Kapamilya actor simula 2006 si Jake na nagbigay naman ng tips para sa mga baguhang artista na nagnanais maging ‘Forever Kapamilya.’

Pinangunahan ang “Forever Kapamilya Network Contract Signing” event nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, group chief financial officer Rick Tan, at Star Magic head Laurenti Dyogi.