Advertisers

Advertisers

SUGAL SA ANTIPOLO NAKA TIMBRE KAY COL MANONGDO AT MAYOR YNARES ? (PART-4)

0 34

Advertisers

PARA sa mga residente ng Antipolo City may ilang mataas na opisyal ng kapulisan at pulitiko ang nagpo-protekta sa magdamagang operasyon ng iligal na sugal sa lungsod.

Anila, hindi naman mamamayagpag ang iligal na sugal tulad ng ‘color games at drop ball’ na matatagpuan sa P. Oliveros St. Barangay Dela Paz, Antipolo City kung naaresto ng mga pulis ang mismong mga operator ng pasugalan na sina Toto, Bert, Bradfit at Marcial na diumanoy mga tulak din ng droga sa lugar.

Kaya naman ipinapanawagan ng mga naninirahan sa lugar sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Department of Interior and Local Government (DILG) na i-monitor at arestohin ang mga matataas na opisyal ng kapulisan at pulitiko na pasok sa goodwill, weekly at 15/30.



Walang pangingimi ang isa kung tagasubaybay sa kanyang kahilingan na kasuhan umano si Mayor Jun Ynares at PLtCol Ryan Manongdo maging ang Rizal provincial director PCol Felipe Maraggun dahil sa pananahimik ng mga ito at koneksyon sa iligal na sugal at droga na talamak ngayon sa kanilang areas of responsibility (AoR).

Nanawagan din ang aming avid reader kay PNP Chief, Rommel Francisco Marbil at DILG Secretary Jonvic Remulla na panindigan nila ang kanilang babala na kanilang sisibakin at kasuhan ang mga pabayang barangay chairman, meyor at PNP officials na protektor sa ilegal na sugal at sa mga drug pusher.

Sa kanilang text messages, nanawagan din sila kay Marbil at Remulla na sampahan ng kasong administratibo ang mga nabanggit na government officials dahil sa posibleng pangungunsinti ng mga ito na mag-operate ng hayagang sugal ang mga nabanggit na gambling operator at drug pusher sa nasabing lungsod.

Hindi lamang pala ang pitak na ito ang nag-iisa sa paglalantad ng katotohanan sapagkat maging ang payak na mamamayan ng P. Oliveros St. Barangay Dela Paz, Antipolo City ay tumutuligsa din sa hindi pag-aksyon ng kanilang kapitan, meyor at hepe ng kapulisan at hiniling nga nila kay Marbil at Remulla na kasuhan dahil nagbulag-bulagan sa magdamagang sugal na mistulang mini casino.

Ibinunyag din ng source na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan ang diumanoy P1.5-milyon bilang “protection money” kada buwan sa ilang tiwaling pulitiko at PNP officials na tumatanggap ng payola.



Kung nagawang ipatigil ni Mayor Ynares at Col Manongdo ang mga peryahan na may sugal sa Blue Mountain at Cherry, dapat puksain at ipatigil din nila ang magdamagang sugal dahil hindi lamang mga ordinaryong mamamayan ang nalululon sa bisyong sugal kundi maging ang mga kabataan mag-aaral kung saan malapit sa eskwelahan at parokya imakulada ang naturang sugalan.

Kamakailan lang ay nanawagan itong dating PNP Chief na ngayon ay Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay PNP Chief, Marbil na ipagpatuloy ang “internal cleansing” program sa hanay ng mga pulis upang mabawasan ang mga law enforcers na gumagawa ng kalokohan lalo na yong mga protector ng iligal.

Ayon pa kay Dela Rosa mahalaga aniyang magtuluy-tuloy ang programa upang makamit ang pagbaba ng bilang ng mga abusadong pulis at tuluyang malinis ang institusyon.

Sinabi din ng senador na mahalaga dito ay magampanan ni Marbil ang mandato ng PNP na sugpuin ang lahat ng iligal na regular function ng pambansang pulisya.

Saganang akin, malaki ang tama dito ni Bato kung tatalima si Marbil na ipagpatuloy ang paglilinis ng kanyang hanay batay na rin sa naging polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” kung saan posibleng sumabit dito sina PLtCol Manongdo at PCol Maraggun dahil sa ‘di masugpong operasyon ng sugal na nagkukubli sa trapal o luna upang hindi mapansin ang pamamayagpag sa nasabing lugar na ginagawang gatasan ng ilang tiwaling PNP officials at LGUs.

MGA KOLEKTONG NG CIDG NAGLIPANA

Samantala ilang buwan palang sa puwesto bilang PNP – CIDG Chief si Major General Nicolas Torre lll ay naglutangan na ang napakaraming “kolektong” sa mga iligal na sugal para diumano sa tanggapan ng magiting na Heneral na komorner sa puganteng Pastor Apollo Quiboloy, sa balwarte sa Davao City.

Ayon sa source, isang alyas Michael Cincoang, na ang tunay na pangalan ay ang pulis na Eric Zhornack, ang pangkalahatang kolektong ng tanggapan ni PMaj Gen.Torre.

Pero ang kausap diumano dito ni Zhornack ay isang “Lt. Colonel Lorenz” na diumanoy sagradong bata ni PMaj.Gen. Torre. Ganun?

Dagdag panang impormante na ang mga umiikot naman sa CIDG- NCR under PCol. Marlon Quimno ay itong sina Jepoy Manuela para sa EPD, Cesar Pilosopo para sa QCPD at MPD, at isang alyas Paul sa mga club na prente ng prostitusyon at mag-partner na Bradfit at Marcial ng CIDG-Rizal.

Ang tanong: Alam kaya ito ni MGen. Torre?

Subaybayan..

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.