Advertisers
ISANG mataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF kamakailan ang nahuli. Siya ay si Porferio Tuna Jr., kilala din bilang “Ka Ampong” at “Ka Simon Santiago.”
Isang prominenteng CPP regional cadre sa Southern Mindanao. Naaresto siya sa Tagum City, Davao del Norte ng 10th Infantry Division ng Philippine Army dahil sa mga kasong murder, kidnapping, at serious illegal detention.
Nakulong na siya noong 2015 ngunit nagawang makapag piyansa noong 2016 para makibahagi sa peace negotiation sa pagitan ng Philippine goverment at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Dito rin niya ginawa ang pag-takas nang makapagjumped bail ito at nagtago na.
Ang tawag daw sa taktikang ito sa CPP-NPA-NDF ay “ticket-to-freedom racket”, ang paghahayag ni Tuna o’ Ka Ampong.
Sa kanya mismo nanggaling ang taktikang yan, kaya nabulgar ang baho na sinasamantala lamang pala ng CPP-NPA-NDF ang Peace Talks o’ usapang pangkapayapaan.
Tahasan yan sinabi ni Tuna sa isang online press conference ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC). Kasama diyan ang ilan sa mga dating CPP-NPA-NDF na nagsasabi rin minamanipula lamang ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ang peace talks.
Si Noel Legaspi, dating lider at deputy secretary/spokesman ng CPP-NPA -NDF, ay nagsabi na sa hinaba-haba ng panahon, nagagawa ng CPP-NPA-NDF na maisulong nito ang agenda imbes ang reconciliation.
Kasama na rito, ayon kay Legaspi, ang pagsasamantala ng CPP-NPA-NDF sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), na naglalayong protektahan ang mga peace negotiators.
“Based on the information we gathered, they (CPP) used a deposit box in the Netherlands to store code names for their consultants, allowing them to deny involvement when individuals were apprehended. However, the government has now mandated the use of real names, limiting the CPP’s ability to manipulate this mechanism,” paliwanag ni Legaspi.
Dagdag pa niya, ginagamit ng CPP ang peace negotiations sa pagpapanggap ng mga ito sa international world na sila ay mga ‘peace-loving individuals’ at binabalewala ng pamahalaan.
“Kaya malakas ang international solidarity work nila,” paliwanag ni Legaspi.
Si Arianne Jane Ramos (ka MARIKIT), na dati namang CPP leader at chairperson ng Gabriela Youth – UP Mindanao, ay nagsabi na ang mga “consultants” ng CPP-NPA-NDF na umanoy nagsusulong ng peace talks “are not there to negotiate sincerely”.
“They are top-level cadres on a mission to secure temporary freedom and regroup for the next phase of their insurgency. Nakita naman natin si Tuna how he manipulated the legal processes to his own advantage,” paliwanag ni Ramos.
Kanya pa nga raw natatandaan na sinabi sa kanya ni Tuna noon na ito ay nasa Italy na, para mag-ubos lamang ng oras.
Mahuhusay talaga itong mga kalaban ng kapayapaan at pamahalaan, kunwari ay usapang pangkapayapaan ang kailangan para matigil na sng armado nilang pakikipaglaban, yun pala’y sasamantalahin lamang.
Mabuti na lamang ay nahuhuli na ang karamihan sa kanila, at ang iba naman ay nagbabalik-loob na. Wala talagang mabuting hangarin ang CPP-NPA-NDF.
bus leo.