Advertisers

Advertisers

SENATE INQUIRY GINAWANG KOMEDYA NI EX-PRES. DUTERTE!

0 1,299

Advertisers

Seryosong usapin ay eksenang komedya ang senaryong nasaksihan sa pinakahuling pagsisiyasat ng SENATE ukol sa WAR ON DRUGS dahil sa tantrums at malaswang pananalitang namutawi sa bibig ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na sinusundan pa ng mga palakpakan at tawanan ng mga tagasuporta nito.

Sa eksenang tinanong ni SEN. JINGGOY ESTRADA si DUTERTE kung bakit siya (JINGGOY) ang tinitingnan at kung iiwas naman ang pagtama ng tingin ay maibabaling kay EX-JUSTICE SECRETARY/SENATOR LEILA DE LIMA.., na pabirong tugon naman ni DUTERTE ay wala umanong maganda sa panig na iyon kaya nakadiretso lamang sa harap ang tingin ni DUTERTE at kasunod niyon ang tawanan.., kaya ipinaalala ni SEN. RISA HONTIVEROS kay SEN. JINGGOY na dapat ay maging seryosong at ipinuntong “hindi ito biro.”

Talaga naman pong hindi biro ang libu-libong pinatay sa ngalan ng BLOODY WAR ON DRUGS ni DUTERTE.., na base sa mga naging pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) at sa naging pag-amin ni DUTERTE sa SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING ay isinagawa niya ang WAR ON DRUGS NATIONWIDE POLICY sa layuning “i-neutralize” ang mga ILLEGAL DRUG PERSONALITIES sa buong bansa na nahantong sa malawakang EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK).



Nalantad sa mga pagdinig ng CQC ang isang sistemang ipinairal ni DUTERTE na hinayaan ang EJK, prinotektahan at pinarangalan.., na ang mga pulis ay hindi lamang nanagupa sa WAR ON DRUGS kundi ipinairal ang depensang “NANLABAN” upang ipagtanggol ang mga pagpatay at napasigla pang lalo ang mga operatiba sa REWARD SYSTEM.., dahil mas malaking gantimpalang pera ang natatanggap ng mga ito kung patay ang sasakoteheng suspek sa illegal drugs.

Ang inilunsad na SENATE HEARING ay kahalintulad sa pagdinig ng CQC.., subalit mas kinakitaan ng “BIAS” o pagkiling ang naging senaryo ng SENATE HEARING partikular na ang naging postura nina SENATORS BONG GO, RONALD “BATO” DELA ROSA at ROBIN PADILLA na sadyang ipinagtanggol si DUTERTE at sa naging kampanya nito laban sa ilegal drugs.



Malinaw na isang ORCHESTRATED ang naging senaryo sa layuning mabigyan ng pagkakataong maipagtanggol ni DUTERTE at ng mga kasamahan nito na maidepensa ang kanilang mga sarili at makontra ang mga rebelasyon mula sa CQC HEARINGS.

Pinanindigan ni DUTERTE na wala siyang dapat ihingi ng paumanhin sa inilunsad niyang WAR ON DRUGS.., na ginawa lamang umano nito ang gayong aksiyon dahil kinakailangan aniya na bilang PRESIDENT ng bansa ay maprotektahan ang mamamayan mula sa drug crimes; gayunman ay nagalit ito at naging defensive nang tanungin siya ni SEN. HONTIVEROS kung tinatanggap ba niya ang responsibilidad para sa mga indibiduwal na pagkakapatay tulad ni KIAN DELOS SANTOS.., sa puntong ito ay tumaas ang boses ni DUTERTE sa pang-aakusa kay HONTIVEROS na itinutulak siya sa isang bagay pero aniya, ang anumang gagawin niyang pag-amin ay hindi umano tataagal sa hukuman



Sa SENATE HEARING ay ipinakita na walang sala si DUTERTE sa mga krimeng kaniyang ginawa at sa mga buhay na nalagas dahil sa kaniyang WAR ON DRUGS.., na ang kaniyang mga kaalyado ay nariyan para isalba siya sa pamamagitan ng isang plataporma na maaari niyang kontrolin ang mga kaharap; pero ang tila kawalang-seryoso nitong pagharap sa imbestigasyon ay nasaksihan ng mga mamayang sumusubaybay ang eksenang komedya at pagtampalasan sa INVESTIGATING BODY. Ang pag-uugaling ito ay replika sa mga ipinakitang tantrum ng kaniyang anak na si VICE PRESIDENT SARA DUTERTE nang ito ay uriratin tungkol sa mga pondo ng kaniyang tanggapan at sa pang-aabuso o paglustay ng kaniyang CONFIDENTIAL FUNDS.., sabagay e patunay lamang ito sa kasabihang kung ano ang puno ay siyang bunga.

Si DUTERTE ay matagal nang nakaiwas sa mga pananagutan sa libu-libong buhay na nalagas bukod pa sa mga personalidad na nasira sa ilalim ng kaniyang administrasyon dahil sa postura ng kaniyang WAR ON DRUGS.., na kaiba sa konsepto ng mensahe ni EX-SEN. DE LIMA na…, “Maaari nating wasakin ang droga, ngunit huwag natin wasakin ang mga buhay.”

Mga ka-ARYA.., panahon na upang papanagutin si EX-PRESIDENT DUTERTE hinggil sa pag-abuso nito sa kaniyang naging panunungkulan at para maigawad ang JUSTICE pabor sa EJK VICTIMS at sa mga PERSONALIDAD na tinugis dahil hindi sumang-ayon sa sistema ng nakaraang administrasyon.., sa ganun ay hindi na maulit at pamarisan pa ang gayung uri ng administrasyon dito sa ating bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.