Advertisers

Advertisers

Rita kinasuhan ng pagmamanyak si Archie; Kathryn hirap magdesisyon para sa sarili

0 85

Advertisers

Ni Archie Liao

KINASUHAN ng Kapuso singer/actress na si Rita Daniela ang aktor na si Archie Alemania ng Acts of Lasciviousness sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City nitong Wednesday, Oct. 30.

Ayon sa affidavit na isinumite ni Rita na inilabas ng kanyang network, nangyari raw ito sa nakaraang thanksgiving party para sa seryeng Widow’s War na ginanap sa bahay ni Bea Alonzo sa Quezon City noong Sept. 9.



Si Bea ang isa sa bida sa nasabing serye.

Past 12 midnight na raw dumating si Rita sa bahay ni Bea. Tila nakainom na raw si Archie pagdating niya at nag-comment pa raw ang aktor na huwag itong lalapit sa kanya, sabay sabi ng kalaswaan.

Dito ay hindi na raw naging komportable si Rita.

Magga-grab na raw sana siya pauwi, pero nag-alok si Archie na ihatid na lang siya sa bahay niya at pumayag naman daw siya dahil sa tingin niya ay hindi na mukhang lasing si Archie.

Pero nang nasa sasakyan na raw sila, nagsi­mula na raw nitong hawakan siya sa leeg at balikat na nagri-resist siya. At ang pinakamalala raw ay nung nasa bahay na siya. Bago raw siya bumaba ay hu­mingi raw ng kiss sa kanya si Archie, at talagang pinipilit daw siya nito na halikan.



Pinilit daw manlaban ng aktres at sumisigaw itong tigilan na siya ni Archie, pero pinagpatuloy lamang daw nitong halikan siya. Bumulong pa raw ito ng pa-booking naman daw siya.

Hindi pa raw umalis si Archie sa tapat ng bahay niya, kaya nag-text na raw siya sa aktor na umalis na siya dahil nakakaabala na raw ito sa kapitbahay, gawa ng nagtatahol na ang mga aso.

Kinabukasan ng hapon ay nag-text daw si Archie sa kanya na nag-sorry. Lasing lang daw kasi ito.

Pero hindi ‘yun naging dahilan para hindi niya sampahan ng kaso si Archie.

Ayon sa nakasaad sa affidavit nI Daniela, “However, this did not deter the Respondent (Archie Alemania), instead he forcibly got hold of my head and locked it with his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out trying to put it inside my mouth.

Hanggang sa mga oras na ito ay wala pang kasagutan ang kampo ni Archie o ni Archie mismo. Bukas naman ang aming pahina sa paliwanag oa pagtatanggol sa sarili ni Archie.

Sina Archie at Rita ay nagkasama sa seryeng Widows War na pinagbibidahan ni Bea.

***

SA guesting recently ni Kathryn Bernardo sa Fast Talk with Boy Abunda, natanong siya ni Kuya Boy ng, “What is the good and the bad about being Kathryn Bernardo?”

Napaisip muna ang aktres bago sumagot, “The good is, I’m doing my passion and I’m doing this profession as an actor.

“It is something I want, something I love, and at the same time, napapasaya mo ‘yung mga tao.

“’Di mo alam ‘yung impact na nagagawa mo sa ibang tao while doing the thing that I love the most, which is acting, so it’s like a win-win situation,” paliwanag ng aktres.

Pero inamin ni Kath na may mga downside rin ang tinatamasang tagumpay sa kanyang career at hindi na raw niya ito kontrolado.