Advertisers

Advertisers

Mabait at mapagkumbaba pa rin si Kuh Ledesma

0 11

Advertisers

Ni Oggie Medina

UNA kong nakilala si Kuh Ledesma nang kami’y maimbita ng dating tourism undersecretary Ramona Lopez-Ty sa Boracay. Nagsusulat pa ako noon sa Philippine Daily Inquirer at nagustuhan ng aking editor-in-chief Letty Jimenez Magsanoc ang sinulat ko ukol sa islang iyon.

Binansagang Philippines’ Pop Diva, si Kuh ay hindi nagbago. Mabait at mapagkumbaba pa rin siya. Muli kaming nagkita sa nakaraang NobleLife International’s 18th year celebration sa Quezon City’s New Frontier Theatre. Nakita ko rin doon sina Dr. Romeo Orteza, Nancy Deocareza, NLI Pres. Lila Baylon-Macapinlac kasama ang butihing asawang si Ron, Rudy Aquino, at ang official photographer Alexander John Fong.



Sa loob ng dressing room niya, binigyan niya ako ng “The Power of Prayer” leaflet at mahalaga ito sa akin na may dedikasyon pa niya.

Naalala ko noong imbitahin ko siya sa East Avenue Medical Center’s Tahan-Tahanan, pumunta kaagad siya para magbigay-saya sa mga batang may kanser. Kasama niya noon si Malo Cruz. Sa Nob. 9 may benefit concert siya sa Cebu para sa Kalipay Negrense Foundation, isang non-profit foundation para sa mga disadvantaged children.