Advertisers

Advertisers

Di lang pinakikita… Kris hirap na sa iniindang sakit

0 12

Advertisers

Ni Jimi Escala

USAP-usapan ang pag aresto ng mga pulis ng Pasig City sa dating Kapamilya aktor na si John Wayne Sace. Si John Wayne ang itinurong suspek sa pamamaril daw ng kanyang kaibigang si “Lynell Eugenio,”.

Si Lynell ay isang 43-anyos, residente ng Barangay Sagad, Pasig City, ay binaril 7:30 ng gabi nitong Lunes, Oktubre 28.



Ayon sa lumabas na imbestigasyon ng kapulisan ay nagkaroon ng apat na tama ng bala mula sa kalibre 45 baril ang biktima.

Agad namang nahuli si John Wayne sa isang hotel malapit sa Pasig.

Na-recover umano mula sa dating aktor ang kalibre 45 baril na posible umanong ginamit sa pagpatay sa kaibigan, huh!

Lumabas sa ginawang interview kay John Wayne na matagal na raw may alitan ang dating aktor at ang biktima, huh!

Lumabas din sa Facebook page ni John Wayne na may kaalitan Ito, huh!



***

UNAWARE pa rin ang publiko sa totoong kalagayan ngayon ni Kris Aquino.

Kumbaga hindi lang nila nakikita, pero ang sabi hirap na raw si Kris sa kanyang mga karamdaman.

Banggit pa ng source namin na kapag sumumpong daw ay sobrang sakit ang nararamdaman ni Kris, huh!

Sa pinakabagong picture na inilabas ni Bossing Dindo Balares na pinakamalapit na kaibigan ni Kris, makikita na parang lumalakas na ang TV host-actress.

Sabi raw ni Kris sa kanyang kaibigan at confidante, “Ganyan kapayat my legs. That’s why i need physical therapy. And I’m 87 pounds, Kuya Dindo.”