Advertisers

Advertisers

Tent at tarpaulin ng kandidato, kalat sa loob ng Manila Memorial Park sa Parañaque

0 8

Advertisers

Mas dumami pa nitong araw ng Huwebes ang tent at tarpaulins ng mga kandidato sa loob ng Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Kung nitong Miyerkoles nasa entrance lamang ng sementeryo ang mga tolda at tarpaulin ng mga kandidato, nitong Huwebes pinayagan na ng pamunuan ng Manila Memorial Park na maglagay ng tents sa loob ang mga pulitiko.



Ilang mga kandidato rin ang namimigay ng pagkain at bottled water sa gate ng sementeryo.

Samantala, hanggang sa ngayon wala pang abiso ang pamilya Aquino kung kailan sila dadalaw sa puntod ng dating Pangulong Cory Aquino, dating Senador Ninoy Aquino, at dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nagpadala naman ng bulaklak sa puntod ng mga Aquino ang Manila local government unit at si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa ngayon, patuloy ang pagdating ng mga bisita sa Manila Memorial Park at ang ilan sa kanila bitbit ang kanilang mga alagang aso.

Nilinaw naman ng pamunuan ng sementeryo na hindi bawal ang pagdadala ng aso sa loob basta’t naka-diaper ito at may tali.