Advertisers

Advertisers

150 na nasawi kay ‘Kristine’

0 9

Advertisers

Umakyat na sa 150 ang bilang ng mga nasawi mula sa Tropical Storm ‘Kristine’, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ng NDRRMC na karamihan sa mga nasawi ay sinusuri pa at ang ilan sa biktima ay hindi pa nakikilala.



Si ‘Kristine’ at Super Typhoon ‘Leon’ ay nakaapekto na sa 1.89 milyong pamilya o 7.49 milyong katao sa 17 rehiyon sa buong bansa.

Habang umabot naman sa 86,565 na pamilya o 333,951 na katao ang nananatili sa 2,780 na evacuation centers.

Aabot naman sa 150,511 na bahay na nagkakahalaga ng mahigit P40 milyon ang sinira ng dalawang bagyo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">