Advertisers

Advertisers

Jeep sumabit sa kawad ng kuryente, driver nasunog

0 8

Advertisers

Nasawi ang hindi pa nakikilalang driver nang matusta nang masunog ang minamanehong pampasaherong jeepney nang biglang sumabit ito sa kawad ng kuryente sa kahabaan ng kalsada sa harap ng Tanchuling Hospital at SSS-Legazpi City Office sa Brgy.24, Legazpi City

Patuloy na kinikilala ng awtoridad ang biktimang driver ng pampasaherong jeepney na may plate number EVU-299 na may rutang Legazpi City-Polangui na bagama’t nakalabas pero inabot pa ng nagliliyab na behikulo.



Sa ulat, 12:00 ng tanghali habang binabagtas ng naturang jeepney ang kahabaan ng naturang kalye nang aksidenteng sumabit ang sasakyan sa nakalambiting kawad ng kuryente dahilan para kumislap ito at biglang nagliyab.

Ayon sa mga nakasaksi sinubukan pa sanang lumabas ng driver pero nakuryente ito at bumagsak sa kalsada katabi ng minamanehong sasakyan. Dahil sa lakas ng apoy ay inabot ang biktima dahilan para masunog ang buong katawan nito.

Sinubukang tulungan ang driver ng napadaang mga kasapi ng SWAT-Team ng Legazpi City Police Station pero umatras ang mga pulis dahil sa malakas na boltahe ng kuryente. 

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">