Advertisers

Advertisers

2 Barko, sumadsad sa kasagsagan ng pananalasa ni Kristine sa Batangas

0 10

Advertisers

Sumadsad ang dalawang barko sa pantalan ng Batangas sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine .

Sinabi ni PPA Assistant General Manager Atty.Marl Jon Palomar, kumalas sa pagkaka-angkla ang isang barko na Super Shuttle 2 dahil sa malakas na hampas ng alon.



Isa-isa namang nagtalunan at inabandona ng mga crew at kapitan  ang barko na maituturing namang umanong paglabag sa kanilang regulasyon.

Iniimbestigahan na ang insidente at  mahaharap sa kaukulang kaso ang Kapitan kung sakaling mapatutunayang inabandona nito ang barko.

Samantala, sinabi rin ni Palomar na ang isang barko naman na Cassandra Vessel ay nasa kustodiya na ng Bureau of Customs matapos itong kumpiskahin noong nakaraang linggo.

Dahil sa paparating na bagyo ay hiniling na ito ay mailipat ng lokasyon ngunit hindi umano ito nasunod at natuklasang “unmanned” o wala nang tao sa barko.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">