Advertisers

Advertisers

Pinky tiniyak na mag-iiyakan ang cast sa pagtatapos ng serye

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAGTATAPOS na ngayong Oktubre 19 ang Abot Kamay Na Pangarap.

Isa sa main characters sa naturang top-rating GMA series ay si Moira/Morgana na buong husay na ginampanan ng beteranang aktres na si Pinky Amador.



Sigurado raw si Pinky na kapag tapos na ang kanilang taping para sa serye at napaalaman na ay mag-iiiyakan sila.

“For sure,” bulalas ni Pinky. “Yung iba nga sa amin, mas magkakasama pa kami kaysa pamilya namin. Isipin mo, kung nagkataon sa iyo umiikot ang kuwento, four times a week ka nagte-taping, tapos 16 hours mo silang kasama.

“Minsan, mas nakakasama pa ng iba yung tao dito kaysa pamilya nila.”

At dahil kasalukuyan silang umeere kahit noong may pandemya ng COVID-19 ay nakaranas sila ng lock-in taping na walang uwian.

“Wala. Ang saya nun! Ang saya. Doon kami talaga nag-gel,” nakangiting kuwento pa ni Pinky. “Tsaka ano e, I think what makes the show tick is ano e, I think the characters are believable.



“Believable yung mga doktor, believable yung mga nurses, believable lahat, the situation. Tapos medical drama siya, na kakaiba, ganun.

“Tapos nandun yung combination na nakuha mo yung lolo, magulang, bata, nandun yung spectrum namin, napaka malawak. Kaya ang suwerte namin,” wika pa ni Pinky.