Advertisers

Advertisers

Marco muntik nang mag-quit sa showbiz

0 9

Advertisers

Ni Archie Liao

KUMASA sa “Never Have I Ever Been”challenge ang Viva artist na si Marco Gallo kung saan game niyang sinagot ang ilang katanungan para sa isang Gen Z mag.

Sey niya, aminado raw siyang pumasok na siya noon sa isang relasyong walang label o romansa o ‘friends without benefits’ lang.



Hindi rin niya ikinaila na nag-walk out na siya noon sa taping, shoot o event sa kadahilanang sobrang lampas na sa oras ng kanyang pagtratrabaho.

Ipinaliwanag naman niya na okey lang sa kanya ang magtrabahaho ng dire-diretsong 14 hours pero beyond that ay di na kinakaya ng kanyang katawang lupa.

Hirit pa niya, malaking bagay daw na ipinatutupad na ang “Eddie Garcia” bill dahil nare-regulate na o naproprotektahan nito ang kapakanan ng mga artista o movie workers sa kanilang mga trabaho.

Aminado rin siyang na-betray o naloko na siya ng taong minsan niyang minahal.

Gayunpaman, bahagi raw iyon ng kanyang coming-of-age.



Nakaranas na rin daw siya na tanggihan ang isang proyekto dahil sa kanyang sariling mga paniniwala.

Nangyari raw ito na pinaghuhubad siya sa isang pelikula na para sa kanya ay hindi naman kailangan sa eksena.

Aniya,okey lang daw sa kanya ang magpakita ng puwet o magpa-sexy pero dahil hindi raw naman matino ang pagkakasulat ng iskrip ay tinanggihan niya.

Inamin din niya na minsan na siyang gumamit ng dating app particularly noong hindi pa siya aktibo sa showbiz pero hindi raw naman naging kaaya-aya ang kanyang naging karanasan.

Pumasok na rin daw sa isip niya na mag-quit sa pag-arte dahil feeling niya ay walang nangyayari sa kanyang karera.

Sumagi na rin daw sa kanyang kamalayan na mag-pursue ng ibang career.

Hirit pa niya, pinangarap daw niya noong maging flight steward o maging miyembro ng military.

Si Marco ang other half sa love team ni MarVen kung saan kapartner niya si Heaven Peralejo.

***

Annabelle mas ‘malala’ kay Gloria ayon
kay Ruffa

NAGING usap-usapan ang ‘sabunutan’ video ng mag-inang Isabelle Daza at Gloria Diaz na ipinost ng una sa kanyang IG.

Ito ay may kaugnayan sa isang endorsement ng fast food chain na ini-endorso ng mag-ina.

May mga nawindang din sa naging bardagulan ng mag-ina sa nasabing video.

Caption naman ni Isabel sa kanyang IG post: “Sometimes our mom’s can be our triggers. It all depends on how you respond, what option would you chose? ??”

Nag-react naman si Ruffa Gutierrez sa nasabing post ni Belle.

Ani Ruffa: “Relate!!???? mom is times 3 of tita glo! ??”

Hirit niya, mas ‘malala’ pa raw ang ina niyang si Annabelle Rama kesa sa dating Ms. Universe pagdating sa pagtri-trigger sa kanya.

Sagot naman ng beteranang aktres at beauty queen: “hahaha i am sure??????”

Ganti naman ni Ruffa: “@gloria.diaz69 Miss youuu!! ????”

Sey naman ng ilang netizens, sana raw ay may ganoong content din sina Ruffa at Annabelle.

May nagsabi pang cute raw marahil kapag nag-away na ang mag-ina.

Sa kabilang banda, inokray naman ni Alex Gonzaga ang acting ni Belle sa nasabing video clip.

Komento ni Alex: “Napabilib mo ko sa acting mo belle!!!!! Para kong nanonood ng cartoon network ??????????”

Resbak naman ni Belle kay Alex: “@cathygonzaga nyahahahah”

Umani rin ang samu’t saring reaksyon ang acting ng mag-ina sa video mula sa kapwa celebrities.

Reaksyon ni Solenn Heussaff:”Lol the best!!!