Advertisers

Advertisers

BRATINELLA SA DEMOKRATIKONG BANSA NARARAPAT BA?

0 2,136

Advertisers

Sa larangan ng pamumuno sa isang DEMOCRATIC GOVERNMENT ay nakabatay sa huwarang pangasiwaan tungo sa mayoryang progresibo ng mamamayan kaiba sa komunismo at monarkiya na ang mamamayan ay walang karapatang kumuwestiyon sa mga namiminuno tulad ng isang BRATINELLA na kung anong naisin ang siyang isinasakatuparan.

Kung ating sasariwain ang naging CONGRESSIONAL HEARING noong September 18, 2024 ay pabalang at pabastos na tumanggi si VICE PRESIDENT at EX- DEPED SECRETARY SARA DUTERTE na manumpa bilang isang RESOURCE PERSON na ayon sa kaniya ay hindi siya naroon bilang isang testigo ngunit isang resource person lamang kung kaya hindi raw siya dapat manumpa.., ibig sabihin ay naroon lamang siya bilang isang reference at hindi niya kailangang magsabi ng totoo. Puwede siyang sumagot sa kahit anong paraan na gusto niya at puwede niyang sabihin ang kahit anong gusto niya. Tulad nga ng sabi nila na ang isang brat ay habambuhay nang brat.

Ang kaniyang mariing pagtangging manumpa sa CONGRESSIONAL HEARING ay indikasyon na mayroon itong tinatago.., na ayon sa mga umugong na balita ay mas pinapaboran ng mga DUTERTE ang paglilihim kaysa sa pagiging makatotohanan.., na ang CONFIDENTIAL FUNDS ay hindi na dapat pang kinukuwestiyon sa kung saan o paano ginamit na ito ay isang porma ng diktaduryang pamumuno.



Matatandaang tumanggi si SARA DUTERTE na depensahan at sabihin kung saan ginamit ang perang inilaan para sa OFFICE OF THE VICE PRESIDENT (OVP).., na pinipilit din nitong ipinapakansela ang BUDGET HEARING dahil wala raw pinagbabasehan ang lahat ng mga paratang sa kaniya at puro lamang pamumulutika ito.

Subalit, sa pananaw ng maraming LAWMAKERS ay ayaw lamang umano nito na malaman ng publiko kung paano nito ginamit ang pera na inilaan para sa OVP ay personal na ginastos ng DUTERTE FAMILY.., personal umanong pinakinabangan gamit ang sindikatong sistema

Ginamit ang CONFIDENTIAL FUNDS para patayin o alisin ang lahat ng maaring magbanta sa ilegal na negosyo ng mga DUTERTE.., na kung wala itong tinatago at talagang inosente sa lahat ng mga paratang sa kaniya at sa pamilya niya ay makikipag-isa ito sa mga kongresista at hindi iyong nagpipilit pa siya sa kung ano ang gusto niya.

Tulad sa ipinakita niyang ugali noong BUDGET HEARING ay ipinakita pa rin na wala siyang galang at dapat na “take it or leave it” ang mga kongresista sa mga isasagot niya.., na tila sinusubukan nitong gayahin ang kaniyang TATAY DIGONG DUTERTE sa pamamagitan ng pagpapakita na kaya niyang ipapatay o ipatanggal ang kahit sino na humarang sa kaniya.., at ang matinde ayon sa kaniya ay walang karapatan ang mga kongresista na kuwestiyonin siya at ang paraan niya nang pag gastos ng perang inilaan para sa confidential funds ng OVP.

Ang kaso, hindi naman TERROR LOOK si SARA DUTERTE kundi nagmukha lamang siyang bata na nag-aalboroto kasi ayaw sumunod ng mga tao sa kaniya.., at tulad nga nang tawag sa kaniya na BABY DUTZ ay kumikilos siya na para bang isang baby o isang spoiled brat o bratinella.



Dati nang itinanggi ni SARA DUTERTE na isa siyang spoiled brat at ayon sa kaniya ay pinopolitika lang ng mga ANTI-DUTERTE ang lahat ng kinikilos niya upang sirain ang magandang pangalan ng mga DUTERTE at para walang bumoto sa kaniya sa 2028…, e kung ayaw pala nitong matawag na brat eh di sana hindi siya kumikilos at nag-iinarte na parang isang brat.., na ang problema kasi ay inaakala niyang umiikot pa rin ang mundo sa kaniya’t sa pamilya niya at mayroon pa rin silang STRONG INFLUENCE.., Teka e mukha namang hibang na nga ang DUTERTE FAMILY na ang kanilang sistema ay HINDI ANGKOP upang MAMUNO sa isang DEMOCRATIC GOVERNMENT!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.