Anak ni Sen. Loren Legarda na si Leandro Legarda-Leviste tatakbong kongresista sa unang distrito ng Batangas
Advertisers
Sinamahan ng aabot sa 35, 000 supporters at ni Senator Loren Legarda ang kanyang anak na si self made billionaire and founder of Solar Philippines CEO na si Leandro Legarda Leviste, October 8, 2024 sa opisina ng Commission on Election (Comelec) sa Batangas Provincial Capitol sa Batangas City, para sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) na tatakbo bilang kongresista ng First District of Batangas na pinamumunuan naman ngayon ni incumbent first term Congressman Eric Buhain na asawa ni dating congresswoman Eileen Ermita.
Suportado rin ng mga alkalde ng Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, Balayan, Lemery, Taal at lungsod ng Calaca at dating mga nagsilbi rin bilang mga kongresista sa unang distrito ng Batangas na sina former Congressman Eduardo Ermita at former Representative Dong Apacible ang paglahok sa pulitika ni Legarda-Leviste na isang 31-anyos at pangalawa sa mayroong pinakamalaking shares sa kumpanya ng ABS-CBN Corporation kasunod ng Lopez family at investor din siya sa Nasugbu’s Central Azucarera at pinakabatang Chief Executive Officer na nakapagtayo ng kanyang sariling kumpanya sa kasaysayan ng Pilipinas sa stock market.
Naniniwala naman ang mga taga-suporta ni Legarda-Leviste na makakapag-ambag ito ng malaki at mahusay na serbisyo at batas sa kongreso dahil sa angking galing nito sa kanyang mga nasimulan na negosyo. (KOI LAURA)