Advertisers

Advertisers

Pagtalaga kay Jonvic Remulla idinepensa ni PBBM

0 24

Advertisers

IDINEPENSA ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na akma si Governor Jonvic Remulla sa posisyon bilang lider ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kinakailangan ng bansa ngayon.

Ayon kay PBBM, ang malawak at kahanga-hangang trabaho ni Remulla sa pamamahala ng lokal na pamahalaan ay kinikilala, aniya, ng publiko at media, pati narin ng mga taong siyam na beses na siyang inihalal sa pwesto.

Sinabi ng Pangulo, ang pinakamalinaw na patunay ng kanyang mahusay na pamumuno ay hindi lamang makikita sa mga papuri sa balita at magagandang scorecards dahil nakikita, aniya, ito sa kung paano pinaunlad ni Remulla ang Cavite, na ngayon ay isa nang makapangyarihang sentrong pang-ekonomiya.



Aniya, sa halos 30 taon pagsisilbi ni Remulla sa lokal na pamahalaan—mula sa pagiging board member, hanggang sa pagi-ging bise gobernador, at ngayon bilang gobernador—ay nakita ang kanyang dedikasyon at sakri-pisyo.

Ipinunto ng Punong Ehekutibo na sa bawat posisyon na ipinagkaloob kay Remulla ng kanyang mga kababayan ay lagi itong tumutugon sa pamamagitan ng masipag at tapat na serbisyo bilang sukli sa tiwala ng tao.

Wala aniyang duda na si Remulla ay higit pa sa kwalipikado upang harapin ang mga hamon ng isa sa pinakamahalagang tungkulin sa pamahalaan.

Nilinaw din ni Pangulong Marcos na wala siyang marching orders kay Remulla dahil bilang isang lider sa harap ng mga pagsubok ay alam aniya ng kalihim ang kanyang gagawin, at kung paano ito gagawin ng mahusay.

Dagdag pa ng Pangulo, ang pinakamahalaga rito ay tiyakin ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa kanilang mga tahanan at gawing masigla ang mga lokal na pamahalaan bilang pangunahing tagapaglingkod ng bayan.



Si Remulla ay nakababatang kapatid ni Justice Secretary “Boying” Remulla. (Gilbert Perdez)