Advertisers
PORMAL nang naghain ng kandidatura ang mga kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ng Maynila, na pinangunahan ng co-chairman ng PFP-Manila at tatakbong alkalde ng lungsod na si Ramon “Raymond” San Diego Bagatsing III sa Comelec SM Manila nitong Martes, Oktubre 8, 2024.
Kasamang nagsumite ng kani-kanilang Certificate of Candidacy (COC) at Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) ang buong kandidato ng partido na sina dating 5th District Councilor Pablo Dario Gorosin Ocampo para Vice Mayor; mga konsehal ng District 2 na sina Roneil D. Sanguyo at Nelson A. Sevilla; District 4: Aldwin Tan, Eduardo V. Quintos XVI; District 5: Marilou M. Ocsan, Paulino Martin N. Ejercito Jr., Gloria V. Enriquez, Gladina A. Villar; at District 6: Juan Rafael C. Crespo, Romualdo Billanes.
Nagpapasalamat ang buong grupo ng PFP-Manila sa suportang ipinagkakaloob ni PFP-National President Gov. Reynaldo Tamayo.
Ang PFP ang ruling party ngayon sa bansa na partido ni Pangulo Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Handang maglingkod ang mga kandidato ng PFP-Manila ng tapat, walang bahid ng korupsyon, may puso, dignidad, may malasakit sa kapwa, at higit sa lahat may takot sa Diyos.
Partikular nang isinisigaw ng mga Manilenyo ang kasalukuyang kumakandidatong Mayor ng Maynila na si Raymond Bagatsing.
“Ang layunin namin ay maibalik ang dangal ng Maynila bilang sentro ng oportunidad at progreso, isang lungsod na may pagmamahal sa bayan at disiplina sa pamumuno,” ani Bagatsing.
At maging si Ocampo, nananalaytay sa dugo nito ang pagsisilbi sa taumbayan dahil gumawa ng ma-kabuluhang kontribusyon ang kanyang yumaong ama, dating Congressman Pablo Villaroman Ocampo.
Hindi rin malilimutan ang mga nagawa ng kanyang six-termer na kapatid na si dating 6th District Congresswoman Sandy Ocampo.
“Panahon na para sa tunay na pagbabago sa ating lungsod. Ito rin ang laban ng bawat Manilenyo para sa Bagong Maynila at Bagong Pilipinas,” pagtatapos ni Bagatsing.