Advertisers

Advertisers

JULIA MAY CRYPTIC MESSAGE SA TAONG NATULUNGAN; GERALD WALANG BALAK PASUKIN ANG POLITICS

0 14

Advertisers

Ni Beth Gelena

MAY cryptic post si Julia Montes sa kanyang social media account.

Tungkol ito sa isang taong natulungan niya noon at ngayon ay bina-back fight siya.



Sa kanyang Instagram, may uploaded cryptic quote card ang aktres about who are bringing others down.

Ang cryptic message ni Julia alongside the quote card ay naging usap-usapan sa social media platforms.

“Alam mo kung sino ka,” sey ng aktres.

“Tinutulungan mo noon! Sinisiraan ka na ngayon! Saklap diba!” aniya sa kanyang Instagram story na viral ngayon.

Walang tinutukoy na pangalan ang aktres, “Oo, ikaw, alam mo kung sino ka. Wag post ng post. Mga tao talaga.”



Minsan lang kung magsalita ang aktres, dahil kilala siyang mabait na tao at malawak ang pasensiya.

Siguro, napuno na rin siya kaya dinaan sa cyptic message ang galit niya sa kung sino mang nilalang ito.

Palaisipan din kung isa rin ba itong celebrity tulad niya o isang taong pinagkakatiwalaan niya.

***

MARAMI ang nagsa-suggest kay Gerald Anderson na pumasok sa pulitika.

Pero, ayon sa actor wala siyang plano na makihalo sa mundo ng politics.

Masaya na raw siyang nakakatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.

This was despite the fame that he received during Typhoon Carina.

Ayon pa sa Kapamilya actor, he was able to use his platform in helping others.

Aniya, “I’m just happy to be in a position where I can also help. Nagagamit ko naman yung platform ko eh. May mga kaibigan ako in politics, I know it’s very hard, napakahirap nun, and I wouldn’t jump into something na hindi ako handa or hindi ko pinag-aralan because people’s lives are at stake.”

Sabagay, ang pagtulong ng actor sa kanyang kapwa ay para na rin siyang isang public servant lalo pa’t ang ginagawa ay makapagligtas ng buhay ng kapwa.

Kumbaga, buwis-buhay ang kanyang pinupuhunan para makapagsilbi sa kanyang kapwa-Pilipino.

***

RIA KINUHANAN NG VIDEO ANG
KANYANG MAG-AMA

IBINAHAGI ni Ria Atayde ang adorable video ng kanyang mag-ama, Zanjoe Marudo at ng kanilang newly born baby boy.

Ang celebrity couple ay kinasal last March in a private ceremony.

Sa Instagram account ni @ria, shinare niya ang touching video ng mister cradling their newborn son while enjoying some fresh air. Agad na nag-viral ang video ng mag-ama kung saan na-capture ang puso ng mga netizens dahil sa napaka-simpleng pangangalaga at buong pagmamahal na pinakikita ni Zanjoe sa anak.

Ang caption ni Ria habang pinaiinitan ni Z ang kanilang baby boy, “Top 10 fave parts of my day: Seeing you have sun time with our son,” along with a white heart emoji, expressing her deep affection for her husband and their son.

Excited naman ng kanilang fans sa pagkomento nang makita nilang Zanjoe embrace fatherhood.

Ang special moment na ito ang mas nakakapagbigay ng enjoyment sa parenthood ng mag-asawa. Zanjoe and Ria are cherishing every second with their little one.