Advertisers

Advertisers

GULO SA MIDEAST

0 11

Advertisers

GINUNITA kahapon, Oktubre 7, ang madugong pag-atake ng ‘Hamas’ sa Israel noong isang taon kung saan higit 1,200 Israeili at ilang dayuhan ang namatay; aabot naman sa halos 400-katao ang “binitbit” ng Hamas pabalik sa Gaza upang maging ‘hostages’ ng grupo.

Bilang ganti, hindi lang umatake sa Gaza, bagkus, pinalawak pa ng Israel ang agresyon nito sa Middle East (Mideast) kung saan idinamay pa nito ang katabing West Bank, Lebanon at mga base ng ‘Muslim/Arab militant groups’ sa Jordan, Syria, Iraq, Yemen at kahit pa sa Iran.

Kapalit ng halos 2,000 ‘casualty’ sa atake ng Hamas, aabot na sa halos 100,000-katao ang namatay sa “resbak” ng Israel kung saan higit 80-porsiyento ay mga sibilyan– bata, matanda,m sibilyan, health workers, kasama na ang halos 200 mamamahayag.



Malinaw sa lahat na hindi “paghihiganti” ang gusto ng Israel; ang layunin nito ay “ubusin” ang mga Palestino bilang lahi upang masakop ang kabuuan ng Lebanon, ilang bahagi ng Saudi Arabia, Jordan, Egypt at Iraq at maitatag ang tinatawag nitong ‘Greater Israel.’

Malakas ang loob ng Israel dahil ano mang kalupitan ang gawin nito sa Mideast, buo ang suporta dito ng ‘Tadong Unidos– ang mga armas na pumatay sa libo-libong biktima ng Israel ay pawang suplay ng Amerika.

Amerika rin ang kumukontra sa UN sa ano mang resolusyon ng pagkondena sa Israel at tumututol sa ano mang ‘ceasefire’habang sikretong ginagatungan ang Israel na “palawakin” pa ang gulo sa plano nitong hayagang gera laban sa Iran. Sapul kasi noong 1979, “gigil” ang mga Kano na muling gawing kolonya ang Iran.

Nakaraang linggo, “inurot” ng Kano ang Israel na direktang atakihin ang Iran at targetin ang ‘oil infrasctructures’ nito. Buwelta ng Iran, “subukan” lang, at aatakihin din nito ang LAHAT ng ‘oil infrastructures’ ng mga bansang “kakampi” ng Kano– Saudi, Kuwait, UAE.

Naloko na! Paano na ang presyo ng langis sa ‘Pinas, aber?



Abangan!