Advertisers

Advertisers

BAM, KIKO, FRANCE, TEDDY, ARLENE

0 47

Advertisers

BINABATI namin si Arsobispo Pablo “Ambo” David na hinirang ni Papa Francis bilang kardinal ng Simbahang Catolico Romano. Hindi ordinaryong alagad ng Simbahan si Kardinal Ambo David. Nanindigan siya laban sa madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi. Naging kanlungan ang Archdiocese of Kalookan ng mga pamilya ng mga biktima ng pagpaslang na pinangunahan ng mga pulis at vigilante ni Gongdi.

Takbuhan ng mga pamilya ng biktima ng EJKs ang Simbahan sa ilalim ni Obispo Ambo na hindi nangimi nagbigay ng tulong at proteksyon sa kanila. Bukas ang Simbahan para sa kanila. Ito ang dahilan at inihalal na pangulo siya ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang organisasyon ng mga lider na kumakatawan sa Simbahan sa bansa.

Maraming hawak na katibayan si David laban kay Gongdi. Ibinigay na niya ang mga ito sa mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) na kasalukuyang tinatapos ang pagsisiyasat sa war on drugs ni Gongdi. Malamang na ipapahamak si Gongdi ng mga hawak niyang katibayan. Hindi natulog si David sa panahon ng kadiliman.



***

NGAYON, inihanda ko na ang listahan ng mga kandidatong aking ihahalal sa 2025. Limang kandidato ang nasa listahan habang pinag-iisipan ko ang iba: Ban Aquino, Kiko Pangilinan, France Castro, Arlene Brosas, at Teddy Casino.

Hindi ko pa ganap na nasilip ang mga kandidato ng administrasyon kahit wala akong balak na ihalal ang mga kumakatawan sa dinastiyang pulitikal ng bansa. Halimbawa si Camille Villar na kabilang sa pamilya ng pinakamayamang negosyante sa bansa, ano ang gagawin niya sa Senado? Wala siyang paghahanda sa Senado tulad ng ibang kandidato.

Bakit ko ihahalal si Bong Go at Bato dela Rosa gayung batid ko na kasama sila sa madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi? Baukod sa pagiging mamamatay tao, walang ginawang maayos si Bong Go at Bato sa kanilang termino bilang mga senador. Naging taga-ngawngaw lang sila ni Gongdi. Wala silang paggalang sa sambayanan.

Ngunit ihahalal ko si Kiko at Bam. Malawak ang kanilang karanasan bilang mambabatas at hindi nasali ang kanilang pangalan sa anumang iskandalo lalo na ang pagnanakaw sa pondo ng sambayanan. Kilala sila bilang mga tagapagtanggol ng demokrasya ng bansa.



Wala kang masasabi sa kanilang paninindigan. Nanindigan sila laban sa giyera kontra droga ni Gongdi. Ipinaglaban na hindi naaayon sa demokrasya ang war on drugs ni Gongdi. Kriminal iyan. Si Bam ang nagtaguyod ng free college education sa panahon na walang pondo ang bansa ninanakaw ni Gongdi ang pera ng sambayanan.

Nanindigan si Kiko upang bigyan ng halaga ang sektor ng pananakahan. Pinagtuunan niya ng kaukulang pansin ang usapin ng food security. Huwag pag-usapan ang pagsulong ng bansa kung makain ng sapat ang mga mamaya, ito ang kanyang panawagan.

Kinakatawan ni France, Arlene, at Teddy ang maka-kaliwang Makabayan Bloc na sa kauna-unahang pagkakataon ay ilalaban ang 11-katao tiket sa Senado. Katangi-tangi ang record ng tatlong mambabatas. Hindi sila lumiko sa kanilang mga paniniwala at paninindigan.

Nanindigan sila laban sa pamamayagpag ng mga pamilyang malalaki sa ating pulitika. Hindi sila kumporme na upuan na lamang ang probisyon kontra political dynasty sa Saligang Batas. Kalaban sila sa pagmamalabis sa tungkulin sa gobyerno.

Si France ang unang nagsabi na nakuha ni Sara ang P125 milyon na confidential fund ng OVP kahit hindi iyon naipaliwanag ng maayos kahit minsan kung saan iyon mapupunta. Si France rin ang nagbunyag na nag-isyu ang Commission on Audit ng notice of disallowance sa P73 milyon ng nawalang pondo ng OVP.

***

MAY mga ulat tungkol sa mga natanggap na banta sa buhay ng mga mambabatas na bumubuo sa QuadComm na kasalukuyang nagsisiyasat sa mga kapalpakan ng administrasyon ni Gongdi. Ibinunyag ito ni Kin. Zaldy Co, ang hepe ng appropriations committee ng Camara de Representante at kinatawan ng Ako Bicol Party List. Sinisiyasat kasalukuyan ng Quad Comma ng mga pinaniniwalaang magkakaugnay na illegal activities ng drug trade, extrajudicial killings (EJKs), at Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Hindi pinangalanan ni Co ang mga nakatanggap ng mga banta kahit lumalabas sa tuluy-tuloy na imbestigasyon ng Quad Comm na ang mga nabanggit na ilegal na aktibidad ay nangyari o nagsimula sa panahong ipinatupad ang kontrobersyal na war on drugs ni Gongdi. Sinisikap ni Zaldy Co na matiyak ang kaligtasan ng bawat kasapi ng QuadComm member. Pinangungunahan ito ni overall chair – Surigao del Norte Kin. Robert Ace Barbers.

***

ISA sa mga kandidato sa Senado na hindi namin masikmura si Francis Tolentino (nangingilabot na tawagin namin siyang senador). Nagpilit si Francis na masama sa tiket ng administrasyon dahil alam wala siyang panalo sa ticket ng Pa-Da-Pa kasama si Bong Go at Bato. Dahil oportunista, iniwan ang PDP-Laban at sumama sa lapian ni BBM.

Nagbabagong mukha si Francis at gusto niyan makilala bilang isang mambabatas na nanindigan na atin ang West Philippine Sea. Pero batid na dikit siya kay Gongdi at gagawin ang lahat upang bigyang kasiyahan ang halos baliw na lider na taga-Davao City.

Kakatwang mambabatas si Francis. Noong 2019, nagbigay siya ng diskurso sa bulwagan ng Senado at hiningi niya ang pagpayag ng Senado sa kasunduang laway sa pagitan ni Gongdi at Xi Jinping ng Tsina. Hiningi ni Sen. Frank Drilon ang detalye ng kasunduang laway ng dalawa, ngunit hindi nakapagbigay si Francis ng anuman detalye dahil hindi rin daw niya alam ito. Katwiran niya: Basta magtiwala kay Duterte.”

Kundi ba saksakan ng gago at bobo, gusto niyang pumayag ang Senado sa kasunduan walang detalye? Hindi pumayag ang Senado. Ito ang isa sa mga dahilan na wala akong bilib kahit katiting kay Francis. Ibang klase ang katangahan.

***

MGA PILING SALITA: “Democracy dies in darkness.” – Jeff Bezos, founder ng Amazon

“In a scene in Fyodor Dostoyevsky’s novel ‘The Brothers Karamazov,’ Jesus Christ went back to earth to fulfill His prophesied second coming. But a character told Jesus that He was no longer needed here because the Pope had ruled the earth. All the Pope did was to say that everything has been done under the name of Jesus. The Church’s mission and everything was all Jesus’ name. The brilliance of Dostoyevsky showed when he wrote that Jesus, in his second coming, had remained completely silent during the character’s entire soliloquy. He did not utter a word.” – PL, netizen, kritiko