Advertisers
Ni Archie Liao
SA panayam ni Bianca Gonzalez, ibinahagi ni Alexa Ilacad ang kanyang karanasan sa pakikipagtrabaho sa Korean actor na si Kim Ji-soo sa pelikulang Mujigae na idinirehe ni Randolph Longjas.
Aniya, na-starstruck daw siya sa nasabing Korean oppa.
“When I saw Ji-soo for the first time, he’s so tall. I think he is 6 [feet] something and I am so small so’ pag tinitingnan ko siya nakatingala ako talaga and I didn’t know if he spoke English, so I was afraid that there was gonna be a language barrier, something like that,” aniya.
Gayunpaman, nang sumalang na raw sila sa workshop ay doon sila naging kumportable sa isa’t isa.
“He looks really serious, like game face on. Tapos sinalang agad kami sa isang scene… parang workshop so I have to break the ice,” lahad niya.
Nadiskubre rin daw niya ang pagiging kalog ng aktor.
“He’s very nice. And slowly but surely, day by day, he started opening to everyone, nakikipagbiruan na siya sa lahat,” pahayag niya.
Sa movie, ginagampanan ni Alexa ang papel ni Sunny, isang dalagang nabago ang buhay nang maging tagapag-alaga ng kanyang naulilang pamangkin.
Hirit ng Kapamilya actress, marami raw siyang natutunan sa kanyang role bilang adoptive parent ng batang bida.
“Motherhood is tough work. Iyon ‘yung na-realize ko while having to take care of the child [in the movie]. Props to my mother… to every mother out there, this is hard work and it’s a commitment. Love is a choice every day and mom chooses to love their kids to death every day,” deklara niya.
Aminado rin daw siyang nahirapan siyang kumawala sa kanyang role.
“Honestly, saying goodbye. I had such a hard time during the ride home na kailangan kong kumawala kay Sunny kasi I really enjoyed playing her character. And I was so proud of her character development to the point na nainggit ako. Gusto ko rin ganito, for me as Alexa,” pagtatapos niya.
Bukod kay Ji-Soo, tampok din sa pelikula sina Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala, at Peewee O’Hara.
Ipinakikila rin sa title role ang child wonder na si Ryrie Sophia.
Palabas na sa SM Cinemas simula sa Oktubre 9, ito ay naghuhudyat ng pagbabalik sa paggawa ng pelikula ng UxS (Unitel x Straightshooters).