Advertisers

Advertisers

Quimbo inupakan ang netizens sa talumpati sa PUP graduation

0 17

Advertisers

MARIING kinondena ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang mga netizen na nagpapakalat ng fake news laban sa kanya sa social media.

Ginawa ni Quimbo ang pagbanat sa netizens sa kanyang commencement speech ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Open University System.

Naging emosyonal pa si Quimbo sa kanyang talumpati nang ilahad niya na ilang beses na siyang nabiktima ng fake news, at nadamay pa ang apat niyang anak sa usapin.



Sa halip na kaawaan, inulan ng batikos mula sa netizens si Quimbo at naungkat ang mga isyu na kanyang kinakaharap.

“Hindi fake news ang binato kay Quimbo tungkol sa kanyang marangyang pamumuhay dahil “kitang-kita po iyon sa mga Hermes at Rolex niyong mag-asawa”, hirit naman ng isa pang netizen.

Pinayuhan naman ng isa pang netizen ang mga estudyante ng PUP na tumakbo sa pulitika dahil malaki raw ang inasenso ni Quimbo nang maging mambabatas mula sa pagiging ordinaryong guro.

Maraming netizens ang nakapuna sa mga post ni Quimbo sa kanyang social media accounts ukol sa suot niyang mamahaling alahas, relo at designer bags habang dumadalo sa mga pagdinig at sesyon ng Kamara.

Nagpahayag din ng duda sina dating presidential spokespersons Rigoberto Tiglao at Salvador Panelo tungkol sa pinagmulan ng perang pinambili ni Quimbo sa maluluho niyang gamit.



Sa kanyang column sa Manila Times, sinabi ni Tiglao na aabot sa halos P100 milyon ang mga designer bag ni Quimbo gaya ng Chanel, Dior, Goyard, at Birkin, mamahaling relo gaya ng Patek Philip at Rolex, Cartier na kuwintas.

Ayon naman kay Panelo, hindi kayang tustusan ng suweldo ng mambabatas ang mga mamahalin niyang gamit, lalo pa’t ordinaryong guro lang si Quimbo bago naging mambabatas at hindi galing sa mayamang pamilya ang napangasawa niya na si dating Marikina congressman Miro Quimbo.

Nananawagan ang mga netizen sa Office of the Ombudsman na isailalim si Quimbo sa lifestyle check at imbestigahan kung may sapat siyang ari-arian para tustusan ang maluhong pamumuhay.