Advertisers

Advertisers

PNP R4A zero vs sindikatong ‘paihi’, at BOC umiskor vs ‘paihi’ sa NCR!

0 1,432

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

PINUNA ng grupo ng anti-crime and vice-crusader sa Region 4A ang “bagsak na performance” ng pulisya sa mga lalawigan ng CALABARZON laban sa sindikatong “paihi” o “buriki” na itinuturing na “economic saboteurs” at responsable sa malawakang nakawan ng oil, petroleum at Liquified Petroleum Gas (LPG) sa nasabing rehiyon.

Sa kabilang banda ay malaking tagumpay ang naipamalas ng Bureau of Custom (BOC) sa ilalim ni Commissioner Bien Rubio sa pagkaaresto at pagsampa ng kaso laban sa 23 katao na pinaniniwalaang sangkot sa operasyon ng buriki o paihi sa nasasakupan ng Manila Bay kasama na ang Navotas, Malabon at Valenzuela.



Batay sa BOC sources, nakitaan ng Navotas Prosecutors Office ng probable cause upang sampahan ng mga kasong paglabag sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ang mga respondent na mga tripulante ng MT Trittrust at MT Mega Ensoleillee.

Sa ilalim ng TRAIN law ay papatawan ng multang P2.5 million sa unang paglabag, P5m sa ikalawang paglabag at P10m at revocation ng lisensya ang mga sangkot sa kaso, at pagbabawal na makibahagi sa anumang katulad nitong negosyo.

Nahuli ang mga tripulante ng MT Trittrust na nagkakarga ng 320,463 litro ng unmarked diesel fuel, habang ang MT Mega Ensoleillee ay nadiskubreng may 39,884 litro ng unmarked diesel fuel na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P20.35m na paihing produkto.

Bukod sa pagmumulta at iba pang sanction ay nahaharap din sa pagkabilanggo ang ‘di pa batid na mga pangalan ng mga respondent. Pinaniniwalaang ang ‘Violago Syndicate’ ang nasa likod ng Manila Bay paihi/buriki operations?

Ang kapuri-puring aksyon ng BOC ay taliwas sa “kalabasa” o bagsak na accomplishment rating ng PNP Region 4A pagkat “tila tulog sa pansitan” ang pulisya sa Batangas City, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal. Wala ang mga itong maipagmamalaking malaking accomplishments laban sa sindikatong paihi/buriki.



Tinukoy ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na ‘di parin masugpo ng Batangas City Police ang operasyon ng paihi/buriki ng petroleum product at pagpapasingaw ng LPG ng drug pusher na si “Rico Mendoza” sa kahabaan ng Bypass Road, harap ng Toyota Cars Parking Area sa Brgy. Banaba South, Batangas City.

Ayon sa MKKB, kung nais ni PNP Region 4A Director, BGen. Paul Kenneth Lucas, na masawata ang operasyon ng naturang ilegalista ay isailalim din nila sa imbestigasyon sina Brgy. Chairwoman Estrella Que, mga kagawad at tanod nito pagkat posibleng may alam ang mga ito sa operasyon ng naturang burikian/paihian.

May paihi operation din si Rico sa Brgy. Bulihan, bayan ni Malvar Mayor Cristeta Reyes, na ginagawang gatasan ng ilang korap na pulis, local at barangay officials.

Kung kinakailangan, ayon pa sa MKKB, ay kastiguhin din ni Gen. Lucas sina Batangas OIC PNP provincial director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr. at Batangas City Police chief LtCol. Jephte Banderado dahil liban kay Rico ay di parin masugpo ang paihi/buriki operation ng Duterte Die Hard Supporter (DDS) na police colonel at ng hitman/ bodyguard nitong fake police Sgt. Buloy sa may main gate ng Batangas City Pier sa Brgy. Sta. Clara.

Ang dalawa (DDS PNP colonel at Sgt. Buloy) ang operator din ng biyahe ng colorum van at illegal terminal nito sa loob ng compound ng Batangas City Pier.

May paihi/buriki operation naman ng mantika, CNE, coconut at cooking oil sa Brgy. Salinas, Lucena City ang isang alyas Troy habang petroleum at LPG product ang pinaiihi/binuburiki nina alyas Sammy at Alfred sa bayan ng Guinyangan, na pawang di naaaksyunan ni Quezon PNP provincial director Col. Ledon Monte at Governor Angelina “Helen” Tan.

Sina alyas Amang naman at ang kasosyong Violago Group ang nag-o-operate ng untouchable na paihi/buriki sa Brgy. Bancal, Carmona City na naglalagay sa malaking kahihiyan kina Carmona City Mayor Dahlia Loyola, Cavite OIC PNP Provincial Director Col. Eleuterio Ricardo Jr. at Police Chief LtCol. Jefferson Ison.