Advertisers
Tokyo Olympic silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam ay nanateli sa ABAP national training pool at nais na subukan ang kanilang kapalaran sa 2028 Los Angeles Olympics matapos mag sumite ng magkaibang resulta sa Paris
Petecio,32,nagwagi ng tatlong laban bago nabigo sa semifinals para makamit ang bronze habang si Paalam,26 kinapos sa podium finish matapos mabigo via split decision sa quarterfinals sa Paris.
“Nesthy and Carlo both want to still try for LA 2028 but we have to approach it year per year since it’s too far, especially for Nesthy who’ll be 36 by then,” Wika ni ABAP secretary-general Marcus Manalo. “Para kay Carlo, malaki ang posibilidad. It’s not about wanting it but committing to the daily grind that qualifying for the Olympics requires.” Ang age limit sa men at women ay 40.Sinabi ni Manalo na ang dalawang two-time Olympian ay nakapila sa SEA Games sa Bangkok sa susunod na taon at Asian Games sa Nagoya sa 2026.
Mayroon 43 boxers sa ABAP Pool na may 25 elite men,10 elite women at 8 sa junior/youth category.
Ang elite men ay sina Jay Bryan Baricuatro in 48kg; Rogen Ladon, Ronel Suyom, Marvin Tabamo, Aaron Jude Bado at John Wayne Vicera sa 51/52kg; Paalam, Flint Jara at Eljay Pamisa sa 54kg; Ian Clark Bautista, Junmilardo Ogayre, Jericho Acaylar at John Paul Napoles sa 57kg; Paul Julyfer Bascon, Ganne Ian Gerodias at Mervin Lucky Alcober sa 60kg; Mark Ashley Fajardo, John Paul Panuayan at Brandon Soriano sa 63.5kg; Norlan Petecio in 67kg; Marjon Pianar, Ronald Chavez Jr. at Tyler Tanap sa 71kg; Eumir Marcial sa 75kg at John Marvin sa 80kg.
Ang elite women ay sina Cleo Tesara at Ofelia Magno sa 48kg; Aira Villegas, Maria Adriana Cabalfin at Xian Baguhin sa 50kg; Ermalie Caballero at Patricia Mae Sumalinog sa 54kg; Petecio sa 57kg at Riza Pasuit at Clowe Tabastabas sa 60kg.