Advertisers

Advertisers

Lady Warriors 3-0 na sa Shakey’s volleyball

0 9

Advertisers

WINALIS ng University of the East (UE) ang Mapua University,25-14, 25-20, 25-20, upang manateling undefeated sa Shakeys Super League Collegiate Pre-Season Championship sa Rizal Memorial Colesium Sabado.

Sa kabila na wala ang ace winger Casiey Dongallo, ang Lady Warriors ay nag performed ng mabuti, na nangailangan lang ng isang oras at 21 minuto para makamit ang kanilang ikatlong dikit na tagumpay sa Pool B.

Pinamunuan ni middle blocker Riza Nogales ang opensa ng UE sa iniskor na 11 points,nine on attacks,habang si Jelaica Faye Gajero nag-ambag ng nine points.



Yesha Keith Rojo nagdagdag ng eight points,kabilang ang anim sa first set. Dongallo lumaktaw sa laban para sumailalim sa platelet-rich plasma injection sa kanyang kanang kamay.

“People stepped up with Casiey out. Our first six and second six scoring-wise, we did well. Set-wise we won three straight but I feel like we still have a lot more skills to stretch, to work with and improve,” Wika ni UE deputy coach Doc Obet Vital.

Pakay ng UE ang sweep kapag nakaharap ang University of Santo Tomas (UST) sa Oktubre 13.

Middle blocker Alyanna Nicole Ong at wing spiker Nadine Angeli Berces umiskor ng tig-anim na puntos para sa Lady Cardinals.

Frances Macatangay at Gregchelle Cabadin umiskor ng five at four points,ayon sa pagkakasunod,para sa lady Cardinals.