Advertisers

Advertisers

IMMIGRATION OFFICER, LABIS NA NAGPAANTALA SA PAG-ALIS NG ISANG LEGIT OFW

0 55

Advertisers

ISANG masigasig na Bureau of Immigration Officer ang labis na nagpaantala sa pag-alis ng isang lehitimong OFW na may tunay na Overseas Employment Certificate (OEC) sa pamamagitan ng pagtatanong sa hindi kinakailangang mga dokumento na ipinakita niya sa una patungo sa KIngdom of Saudi Arabia, napag-alaman sa ulat kahapon.

Si Adrian Mendoza ay kabilang sa tatlong manggagawang pinoy na-deploy ng LBS Recruitment Solutions, Inc para sa isang malaking government hospital sa Riyadh.Saudi Arabia. Si Mendoza ay nakapanayam ng hindi kilalang BI officer na nagkuwestiyon sa posisyon nito bilang “food service attendant” para sa food services department ng ospital. Siya ay patungo sa Riyadh sa PR 645 nang tanungin ng naturang opisyal.

Dahil umano sa idinulot na abala, binatikos ni Mr. Lite B. Soriano, Chairman ng LBS, ang Bureau of Immigration dahil sa hindi paggalang sa mga karapatan ng isang migrant worker na isang OEC holder at hindi tratuhin bilang isang mga iligal na manggagawa.



Agad nagpadala ang LBS ng affidavit na malinaw na nagsasaad na ang prinsipal ay naging kliyente ng LBS sa loob ng mahigit 20 taon at sa katunayan ay 2005 Presidential Awardee ng dating Pangulong Gloria Arroyo bilang employer ng mga OFW sa nakalipas na mga dekada upang matugunan ang mga pagdududa ng mga kawani ng BI.

Ang dalubhasang ospital ay isa sa pinakamalaki sa Saudi Arabia na may kapasidad na 1,500 bed at gumagamit ng higit sa libu-libong mga healthcare profesionals na Pilipino na karamihan sa kanila ay na-deploy ng LBS Recruitment number one recruitment agency na nagde-deploy ng mga nurse at healthcare personnel sa Saudi Arabia

Si Mendoza ay tuluyan nang pinayagan na sumakay sa flight ng PAL papuntang Riyadh matapos ang labis na abala na idinulo sa walang kwentang pagsubok na pinagdaanan niya sa 1st at 2ndinterviews ng BI officers. (JOJO SADIWA)