Advertisers
SINIGURO ng Department of Finance (DoF) na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para maging abot kaya ang mga bilihin bago mag-Pasko.
Pahayag ni Finance Sec. Ralph Recto, layon nitong gawing merry ang Pasko ng bawat mamamayang Pilipino.
Ginawa ng kalihim ang naturang pahayag matapos ang naitalang 1.9% na inflation outturn noong September.
Ibig sabihin, nagkaroon ng pinakamababang inflation sa bansa sa loob ng 4 na taon.
Ayon kay Recto, mayroon silang mga ginagawang bagong interbensyon para matugunan ang ang food and non-food inflation sa Pilipinas.
Isa na aniya rito ang bagong batas na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Inaasahang magagamit ang batas na ito para mapigilan ang malawakang smuggling, hoarding at iba pang ilegal trade na nagsasabotahe sa ekonomiya ng bansa.