Advertisers
INANUNSYO nitong Sabado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo siya bilang alkalde ng Davao City.
Gayunpaman, sinabi niya na hindi siya tatakbo sa pagkasenador sa 2025 midterm elections dahil hindi raw kayang tanggapin ng kanyang katawan ang matinding kampanya na kaakibat nito.
“You think that I can carry a national campaign at my age or you want me to die? Mag co-collapse na ako n’yan,” ayon kay Duterte.
Una nang sinabi ni Senador Robinhood Padilla, na hanggang sa ngayon ay hinihimok pa rin nila si dating Pangulong Duterte at isa sa mga anak nito na tumakbo bilang senador sa 2025 midterm elections.
Si Padilla ang kasalukuyang pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Duterte wing.
Pahayag ni Padilla, maghihintay sila ng desisyon ng mag-amang Duterte hanggang sa huling araw ng paghahain ng kandidatura sa pagka-senador sa Oktubre 8.
Samantala, nang matanong si Padilla hinggil sa edad ni dating Pangulong Duterte, sinabi nito na mas nanaig pa rin ang wisdom o karunungan.