Advertisers
Kulong ang isang lalaki nang magnakaw ng efficascent oil sa isang botika sa Capitol Site, Cebu City.
Ayon sa ulat, nahuli si John Lloyd Serad, 19, ng security guard ng botika habang inilalagay sa bandang baywang ng kanyang short pants ang 10 bote ng efficascent oil 8:00 ng gabi noong Oktubre 2.
Inamin ni Serad ang pagnanakaw, na nagawa lamang daw niya upang maibsan ang sakit ng kanyang tiyan matapos maempatso.
Wala raw kasi siyang pambili ng mga efficascent oil.
Bukod sa mga efficascent oil, nagnakaw rin ang lalaki ng dalawang lotion.
Kasalukuyang nakakulong si Serad sa Abellana Police Station detention cell at kakasuhan ng theft.