Advertisers
Nasawi ang magkapatid na paslit nang malunod sa ilog sa Antipolo City, Rizal.
Kinilala lang ang mga biktima sa mga alyas na “Mike”, 6-anyos; at “Kel”, 5-anyos, kapwa kindergarten pupils at residente ng Sitio Apia, Brgy. Calawis.
Sa ulat ng Antipolo City Police, 4:00 ng hapon nang madiskubre ang pagkalunod ng mga batang biktima sa Sitio Apia River, sa Sitio Apia.
Sa salaysay ng mga magulang ng mga biktima, nagulat na lang sila nang impormahan sila hinggil sa pagkalunod ng kanilang mga anak.
Naisugod pa ang dalawang bata sa Cabading District Hospital para sana malunasan ngunit patay na nang idating doon.
Anang mga magulang, lingid sa kanilang kaalaman lumalim ang ilog sa lugar dahil sa ginagawang paghuhukay ng lupa roon upang ipantambak sa kalsada.