Advertisers

Advertisers

PANAWAGAN KINA GEN. TORRE III AT GEN. LUCAS PAIHI LAIRS SA BATANGAS CITY, LUCENA AT CARMONA, LANSAGIN

0 1,507

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

DAHIL sa kabiguan ng mga provincial commander at hepe ng kapulisan ni Region 4A PNP Director Paul Kenneth Lucas na umaksyon laban sa talamak na operasyon ng sindikatong paihi/buriki ay napilitang manawagan na ang grupo ng anti crime and vice crusaders sa kauupong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), BGen. Nicolas Torre III na lansagin nito ang mga maimpluwensyang grupong kumikilos sa mga siyudad ng Batangas, Lucena at Carmona na hinihinalang protektado ng ilang matataas na opisyales ng pulisya, National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang awtoridad sa mga naturang lungsod at lalawigan.

Tinukoy ng grupo ng Mamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) ang lider ng sindikato sa oil at petroleum product at nagpapasingaw ng Liquified Petroleum Gas (LPG) mula sa mga tanker, capsule at cargo truck ng kakutsabang driver na isang alias Rico Mendoza at ang may sampu nitong tauhan na pawang armado ng .45 pistola at M16 armalite rifle.



Milyones na halaga ng petrolyo at oil product ang nananakaw ng naturang sindikato gabi-gabi sa nababakurang kuta sa tapat lamang ng Toyota Cars Parking area na nasa kahabaan ng Bypass Road ng Brgy. Banaba South, Batangas City.

Ang mga tanker truck na may kargang gasolina, krudo, gas, pati na ang highly combustible gasoline ng mga eroplano na A1 Jet fuel ay pinaiihi, sinisipsip o binuburiki nina alyas Rico at mga tauhan nito at isinasalin sa mga drum at malalaking plastic container gamit ang malakas na motor pump. Iniimbak doon at hinahakot ng hauler truck ng sindikato ang nanakaw na produkto at ibenebenta sa kanilang mga buyer na karaminan ay Filipino-Chinese mestizo na may-ari ng ibat ibang gasolinahan sa mga rehiyon sa Luzon at Visayas.Ang mga narefil namang binuriking LPG tank ay ipinagbibili din nina alyas Rico sa mga suking buyer sa naturan ding mga rehiyon

Ngunit ang nakapagtataka’y wari ay walang kaalam-alam sa nangyayaring talamak na nakawan ng petroleum, oil at LPG product sina Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr. Batangas City Police Chief LtCol.Jephte Banderado,Banaba South Chairwoman Estrella Que at ang kanyang mga kagawad.

Sa dakong gabi hanggang madaling araw ay isinasagawa ng mga bangag sa shabu na mga alipores ni alyas Rico ang pagnanakaw ng mga produktong lulan sa mga tanker, cargo at capsule truck ng kasapakat ng mga itong driver at pahinante habang binabantayan ng mga barangay tanod at unipormadong pulis na sakay sa mobil patrol car.

Ayon din MKKB, higit pa sa 100 tanker truck driver ang kasabwat nina alyas Rico, ilan sa mga ito ay nakilalang mula sa mga trucking firm na Jamax, Oleum, GDNC, EAS Tan, Alpha 2, Eco, 7 Fuel, Prime, All Prime, Ventures, Petro at maraming iba pa. Wala kamalay-malay ang mga operator ng naturang trucking company na sila ay napanakawan na ng kanilang mga driver at truck helper sa sindikatong paihi/buriki.



Dagsa ang reklamo laban sa napaka delikadong paihi/buriki operation na naidulog sa tanggapan nina Col. Malinao Jr. at LtCol. Banderado ngunit tila bulag, pipi at bingi ang mga ito sa panawagang sawatain, arestuhin at kasuhan ang grupo nina alyas Rico.

Ipinagyayabang naman ni alyas Rico na hindi sasalingin nina Col. Malinao Jr., at LtCol. Banderado at maging ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Office at National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang grupo pagkat “pasok” ang tanggapan ng mga ito, pati na sa PNP Region 4A, PNP Headquarters sa Camp Crame, NBI Region, District at Main Office na lingguhang kinokolekta ng dalawang “kapustahan”(tong collector) na isang ex Sgt. adlawan at alyas Kap Mike.

Maging ang walang kamalay-malay na si NBI Director Jaime Santiago ay Ipinangongotong din ng weekly intelhencia ni alyas Kap Mike mula kina alyas Rico at sa isa pang buriki operator sa Batangas City na kinilalang isang Duterte Die Hard Supporter (DDS) na PNP colonel at bodyguard/hitman nitong isang fake Police Sgt. Buloy. May paihian ang mag-amo sa malapit sa main gate ng Batangas City Pier , Brgy. Sta Clara ,ngunit tulad nina alyas Rico ay hindi rin ang mga ito sinasawata nina PD Malinao Jr. at LtCol. Banderado, ayon din sa MKKB.

Ang DDS na colonel din at ang fake Sgt. Buloy ang nag-ooperate ng biyahe ng mga colorum van na may illegal terminal sa loob mismo ng Batangas City Pier Compound, ngunit nganga, dedma lang din dito sina Col. Malinao Jr., LtCol. Banderado, city port officials at mga awtoridad ng Land Transportation Offices (LTO).

Harap-harapan din ang pagnanakaw ng CNE,crude coconut at cooking oil product mula sa mga oil mills sa Lucena City, Metro Manila at Bicol Region ng grupo ni alyas Troy na may kuta sa gilid lamang ng highway ng Brgy. Salinas, Lucena City, ngunit tila wala ring alam sa nakawan doon sina Quezon PNP Provincial Director Col. Ledon Monte at Lucena Police Chief LtCol. Dennis De Guzman.

Ang isa pang inirereklamong paihian/burikian sa lalawigan ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan na hindi rin matinag nina Col. Monte ay ang minamantine ng magkasosyong Sammy at Alfred sa Brgy. San Luis sa bayan ng Guinyangan.

Hindi rin masupil nina Cavite PNP Provincial Director Col. Eleuterio Ricardo Jr., ang paihi/buriki ng petroleum at oil product nina alyas Amang at ng drug trader na Violago Group na pinamumunuan nina alyas Goto, Cholo at Bogs. Nagpapasingaw din ng LPG ang mga ito sa natatanuran ng armadong goons, pulis at militar na kuta sa Brgy. Bancal, ngunit di ito alintana nina Col. Ricardo Jr. at Carmona City Police Chief LtCol. Jefferson Ison.

Ayon sa MKKB dahil sa naipakitang gilas, giting at katapatan sa serbisyo ng bagong CIDG Chief BGen. Torre III, ay kailangang ito nang pakilusin ito ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil upang matuldukan na ang operasyon ng protektadong sindikato ng paihi,/buriki sa Batangas City, Lucena City at Carmona City.