Advertisers

Advertisers

MAGHAHALALAN PA BA?

0 2,984

Advertisers

Nagsimula na ang bagong kabanata sa buhay at karera ng mga politiko sa araw na ito. Nag-iisip ang mga politiko ng gagawin sa pagtatapos o pagsisimula ng bagong tahakin sa buhay. Sa mga beterano’t may edad na politiko ang magpahinga sa landas na matagal na tinahak higit sa pagdating ng panahon ng takdang pagbibitiw sa tangan pwesto. Ang kagustuhang pagpapahinga’y ‘di inaalis ngunit o talo ng pag-ibig sa serbisyong nakasanayan. Sa panahon ng bagong kabanata sa karera sa buhay, ang makipagpalit sa tangang pwesto asawa, anak, apo o maging sa manugang ang gagawin ng ‘di maputol ang serbisyong ibig sa bayan. Ngunit serbisyo bang talaga o ‘di maiwanan ang maalwang buhay na dulot ng pwestong tangan na alay ng taong bayan. Ang may katagalan na masarap na buhay ang ‘di maiwan at ‘di ang serbisyong bayan ang tunay na dahilan ng paglilipat sa pwestong alay ng bayan. ‘Di pa usapin ang proteksyon sa negosyong tumatakbo ng ‘di magalaw ng gobyerno sa dami ng kamag-anak na nasa pwesto. Di ba ni Mang Many.

Sa itsura ng maagang nagpatala para sa halalan sa ’25, silip na ang lumang mukha’t pangalan sa larangang papasukan. Sa totoo lang, nauna ng nakita ang ngalan ng mga recycled na mga politiko higit sa hanay ng senado na inilabas ng administrasyon. Nariyan ang mga talunan sa huling halalan na ngayo’y nakahanay sa talaan ng administrasyon na mga kandidatong bitbit o bitbitin na malamang na makakaungos sa ibang nagnanais. May mga ngalan ng ‘di malimot ng bayan higit sa unang pinasukan na karera. Subalit kilala ng bayan na latak ang tayo sa mga usaping bayan lalo’t may pakinabang ang tulad ni Mang Juan. At ang tunay na dahilan sa pagpasok sa politika’y ang hindi magalaw ang kung ano ang mayroon higit sa hawak na yaman na ‘di matumbasan kahit ng milyong kababayan. Ang pagsisiguro na ‘di maigalaw ang nakamit na yaman higit kung may usapin ng pagbabayad ng kung ano sa pamahalaan. Ang masakit, pangalawa o pangatlo na sa pamilya ang bagong papasok sa sangay ng pamahalaan na ‘di maiipapatupad ang batas na bawal ang magkakamag-anak, hehehe.

Sa pwestong tangan, silip ni Mang Juan na ‘di lang sa mataas na kapulungan nagaganap ang kamag-anak system, dahil hawak o kontrolado ng ibang kamag-anak na politiko ang lokal na pamahalaan (LGUs) na nagbibigay pahintulot sa mga negosyo sa baba ng lipunan. At ang dahilan sa kung bakit nababansot ang likas na mga negosyante na alang malaking puhunan kahit maganda ang negosyo itinayo. Sa pagtimon sa mga kalakalang bayan ng mga politiko na nakikipagpalit sa mga kamag-anak walang pag-asa ang potensyal na mga makakalaban sa pwesto at negosyo na lumaki higit nakitaan ng kagandahan ang isinusulong na simulain. Walang pagkakataon na magisnan ang mga likas na puno sa bansa higit kung ‘di papasukin ang negosyo ng pulitika na nakatali sa iilang pamilya. Nakita na sa isang lalawigan o bayan sa kaTimugan na ngayo’y masasabing isantabi ang mga lumang politikong serbisyo ang takbo at ‘di negosyo. At sa dami ng pera ng atletang politiko hayun naisantabi ang pagkakaibigan hangang makuha na ang liderato sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga kapatid. At ngayo’y muling hahataw sa pambansang pwesto ng higit maparami ng kaperahan, di ba Mang Many.



Sa kabila ng pagpapatala sa halalan ng mga ambisyoso, ibig malaman ang kahandaan ng Komisyon ng Halalan para sa ’25. Sa dami ng magpapatala bilang mga interesado sa mga pwesto mula sa konsehal ng bayan, alkalde, gobernador, kinatawan at hangang sa senado, may kahandaan ba ang bangit na opisina na magpatakbo ng malinis at kapanipaniwalang halalan? Sa inilabas na datos ng ilang netizen na sagad sa dayaan ang nakaraang halalan higit sa pwestong tangan ng kasalukuyang pamunuan ng bansa. Sa mga inilabas na datos ng isang Hen. Eli Rio, ganap na nakita ang pandaraya sa halalan na ‘di binigyan pansin ng komisyon. Sa paglalahad ng dayaan, nariyan na hindi masagot ng mga opisyal ng komisyon ang mga tukoy na presinto na nagkaroon ng manipulasyon sa bilangan na patunay na may hokus pokus ang picos. At pikit mata ang Tserman ng komisyon at ‘di pinapansin ang mga bangit ng dating heneral na tumatayo’t nagsasabi ng dayaan sa nakaraang halalan. Sa paglabas ng mga datos at pagbisita ni Inday Siba sa Lunsod ng Naga, magiging patas ba ang halalan sa 25? Sa pagdalaw ni Inday Siba sa Naga, may upat o nabangit na may naganap na dayaan sa bilangan at ang lumabas na resulta’y ‘di ang ibig o boses ng bayan.

Sa tanong sa itaas, magkaiba ang magiging tugon ng kung sino ang tinatanong. Ang mga nasa administrasyon, nariyan na magsasabi na patas at dapat maganap ang halalan dahil boses ito ng mamamayan. At tunay na ‘di makakatuwiranan ng mga nasa kabilang panig, higit kung ang tatanungin ang ‘di malamang oposisyon o pumuposisyon tulad ng PaDapa na Alang Laban. Maaring makasungkit ng ilang pwesto ang PaDaPa subalit susuka ng milyon milyong piso para sa pwestong ibig. Ang masakit ‘di matitiyak sa pananatili sa grupong kinaaniban o babalimbing sa kabila higit sa administrasyon kung nais mabawi ang pondong ipambibili sa pwesto. Samantala, aasa na ‘di magsasalita nang negatibo ang bloke ng makabayan sa tuwirang paglahok sa ’25. May magandang laban ang bloke ng makabayan kung magiging patas ang bilangan sa halalan higit sa nakitang kahinaan sa kasalukuyang senado. Sa takbuhan sa halalan, tunay na makakarami ang bata ni Jun Singhot sa bantad na dahilan, nasa kanila ang kabang bayan hangang sa ibaba ng laban.

Sadyang nais ng Pinoy na marinig ang boses at sa halalan lang naipapaabot ang sigaw na pagbabago. Ngunit ito’y hangang sa balota’t ‘di kasama ang mabilang sa kung sino ang ibig ng komisyon. Mahal ang pwesto ng iniluluklok kuno ng mamamayan subalit ang presyo’y mabibili higit may kaibigan sa komisyon. Walang imposible kung kaibigan si Garci na laging pikit ang mata sa mga protesta sa halalan. Maganda ang layon sa halalan, subalit tunay bang boses ng bayan ang maririnig o ang boses ng kung sino ang mag-abot sa komisyon. Dapat o maghahalalan pa ba kung ‘di patas ang laban sa bilangan na dulo ng halalan. Huwag na lang kaya, o mabuting alisin na ang kongreso higit ang senado na tahanan ng mangmang at mga recycled na politiko.

Maraming Salamat po!!!!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">