Advertisers

Advertisers

SP Escudero: Monthly contribution ng Philhealth, kayang ibaba

0 8

Advertisers

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz” Escudero na kayang bawasan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang mandatory contribution na ibinabayad ng mga miyembro nito dahil sa malaking halaga ng hindi nagamit na pondo na naipon nito sa nakaraang ilang taon.

Base sa datos ng Department of Finance, sinabi ni Escudero na umabot na ang reserbang pondo ng PhilHealth sa halos PHP500 bilyon, kasama ang malaking taunang subsidy ng gobyerno na natatanggap nito.

Noong 2021, ang subsidy sa PhilHealth ay umabot sa PHP71.3 bilyon, PHP80 bilyon noong 2022, PHP79 bilyon noong 2023, at para sa kaslaukuyang taon, bumaba ito sa PHP40.3 bilyon.



Nanindigan din siya na magagawa pa rin ng gobyerno na muling maglaan ng malaking halaga ng pondo para sa iba pang layunin sa loob ng pitong taon kung ang mga subsidya na ito ay kukunin sa reserbang pondo ng kumpanya.

Ipinunto ni Escudero sa PhilHealth na nalulugi ito ng humigit-kumulang PHP20 bilyon kada taon sa halaga ng hindi paggamit ng PHP500 bilyong reserbang pondo nito.
Inaprubahan na ng Senado ang panukalang batas na layuning amyendahan ang Republic Act 11223, o ang Universal Health Care (UHC) Act, para ibaba ang premium rate para sa mga direktang contributor ng state insurer.

Itinutulak din ni Escudero sa PhilHealth ang case rate nito base sa halaga ng kontribusyon na binabayaran ng mga miyembro kung saan ang mga miyembro na nagbabayad ng mas mataas na premium ay makatatanggap ng mas mataas na benepisyo. (Mylene Alfonso)