Advertisers
Nasawi ang anim katao at 57 sugatan sa salpukan ng tourist bus at SUV sa Majayjay, Laguana nito Linggo ng hapon.
Sa report, inaalam pa ng otoridad ang pagkakakilanal ng anim na nasawi kabilang ang konductor ng bus at 57 iba pang mga sugatan na dinala sa Majayjay Disitirct Hospital at Laguna Medical Center sa Nagcalar upang malapatan ng lunas sa tinamong pinsala sa katawan.
Ayon kay PCpl Lewis Erickson B Argosino, 3:25 ng hapon ng maganap ang insidente sa pagitan ng isang APR Transportation (Alabang via Coastal Lawton route) tourist bus at Hyundai Kona sa Provincial Road, Brgy. Bakia, Majayjay Laguna.
Nabatid na ang tourist bus na mayplakang ABE 1521 na mimamaneho ni Nelson Balanos y Geraldizo, ng Arevalos Compd Brgy. Cupang, Madaluyong City na binabagtas ang Provincial Road ng Majayjay, Laguna galig Lucban Quezon habang ang Hyundai Kona na mayplakabg DAO6739 na mimamaneho ni Hazel Reyes y Daquia ng Brgy Malinao IIlaya, Atimonan, Quezon na patungo sa Lucban, Quezon.
Habang binabagatas nang tourist bus ang pababang pakubardang daan nang sumalpok ito sa kasalubong na Hyundai Kona.
Sa lakas ng pagkakasalpok sa dalawang sasakayan, nagresulta ito ng pagkasawi ng conductor ng bus at 4 pa. Habang binawian ng buhay ang isa pang biktima habang habang nilalapatan ng lunas sa ospital.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaungay ng nangyarin insidente.(Mark Obleada)